pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label sexperience. Show all posts
Showing posts with label sexperience. Show all posts

29.9.11

wait lang! di ba True Love Waits??



True love waits daw... Madalas kong mabasa at marinig ito noong highschool pa ako. Lagi din kaming nireremind about sa consequences ng pre-marital sex ni titser Leny at titser Hilda (mga religion class teachers namin) at ni Mam Magdalena (titser namin sya sa Accounting pero madalas naming tanungin about sex; at syempre pa alis na ang antok ng lahat na pag sex na ang topic!).

kung sa panahong hayskul e normal na sa aming mga kalalakihan ang  pagiging mapagsaliksik, mapusok at padalos-dalos sa ganitong yugto e ako naman noon e nageenjoy pa lang sa mga “kilig moments” LOL. Oo tama, sa halip na pamboboso at kung ano ano pang kalokohang produkto ng hormonal na pagbabago e abala naman ako sa paggawa ng mga love letters o di kaya ay pagreresearch ang inaatupag ko noon sa kung paanong paraan mapapasagot ang nililigawan (pangit ka na nga wala ka pang diskarte??!). Madalas akong gawing kasabwat ng mga barkada ko para sumulat ng love letters sa kanilang mga nililigawan at madalas ko ding binalak na ako na lang kaya ang sumulat at lumigaw dun sa mga type nila, sagutin din kaya ako? LOL

Well, mga murang isipan at saka yung generation namin noon e considered na fourth base na ang lips to lips sa chick -- mayabang ka na nun brod! (ay syempre depende nga pala sa kartada ng chick mo! LOL) pero kung iyayabang mo e gumala-gala ang iyong mga kamay sa kambal na bundok at sa mabalahibong pusa (yes, as in!) sa dako pa roon? Aba naman parekoy! Fifth Base ka na nun! Tutulo ang laway sa inggit ng mga barkada mo sayo.. at sisimulan ka na nilang tawaging “chickboy”..

Wala e, ako mahina ang loob ko sa mga ganyan.. may mga naging gf ako during highschool days pero ang pinakamalayong narating ng dulo ng daliri ko nung mga panahong yun e hanggang dun lang sa ibabaw ng “sa dako pa roon” at nung nag-attempt akong baybayin ang garter ng kanyang so-en e dun natigil ang aming pagpapalitan ng laway. Tandang tanda ko pa kung pano nya ako tiningnan sa aking mga mata, maluha-luha sya noon, may takot, at nagtatanong o nagmamakaawa na ituloy ko ang maitim kong binabalak… pero tumigil ako sa ginagawa ko, bigla akong natauhan na para akong nabuhusan ng malamig na tubig..

gusto ko sanang ipagpilitan ang nais ko sa marubdob na pagnanasang kumawala na sa pagkaalipin kay mariang palad..

gusto ko sanang gamitin ang mga linyang “akala ko ba mahal mo ako?”

Andun na e! andun na yung tinatawag na “heat of the moment” na sa tingin ko e nadadala na din sya sa ginagawa namin! pero hindeeeee…. Natakot ako!

Una kasi wala pa naman akong karanasan at takot din akong mauwi lang sa kahihiyan ang gagawin namin, kasi ang totoo nyan e nung naglalaro pa lang yung dulo ng daliri ko sa garter nya e nanginginig na talaga ako!

ikalawa, biglang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng titsers ko habang pinapaalalahanan kami about sex. .. lol

Natakot ako sa maaaring maging bunga ng gagawin naming masarap pero bawal.. natakot ako pano kung mabuntis sya? Pano na ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin? Pano na ang pangako kong pagtataguyod sa mga mas nakakabata kong kapatid? Pano na ang gatas at lampin ng magiging anak namin? Sa ganitong nagsasalimbayang mga agam-agam, walang ilang segundo lang e humupa na ang galit ng nagngitngit kong alaga.. at pagkatapos ng gabing iyon, anlaking panghihinayang ko sa pinalampas na pagkakataon, ilang gabi akong nagsarili di pinatulog sa pag-asam na disin sana ay nakatikim na ako ng pagkaing parang pagkasarap sarap..

Ngunit ngayon, pag nagbabalik tanaw ako sa mga desisyon ko noon, natatawa ako sa sarili ko.. ano kaya kung mas naging agresibo ako noon? dalubhasa na kaya sana ako ngayon? ano kaya yung mga nakalagay dati dun sa mga love letters ko noon, bakit naging epektib para mapasagot yung mga chikas nila?

sa isang bahagi ng aking pagkatao, malaking pasasalamat ko din sa mga guro na patuloy na nagpaalala sa min about premarital sex.. kasi natuto ako --- natuto akong dapat laging may baong kapote (in case na umulan).. natuto akong mag-isip munang mabuti kung “worth it” ang napili kong kapareha..

Yeah! tip lang mga brod, pag andun na kayo sa climax at tipong atat na atat ka na, sandali mong isipin na, “what if mabuntis ko to? Eto na talaga mapapangasawa ko??? takte! parang lugi ata ako??"

at bigla sasabihin mo sa partner mong, “wait lang pala… True love waits.” LOL basag!

Ikaw, kelan ang iyong perstaym? at ginamit mo din ba ang konsepto ng TruLabWeyts? ekspleyn



pektyur galing dito




an_indecent_mind








18.9.10

Kanto Tinio

Naniniwala ka ba sa good benefits ng sex sa ating katawan?


“Keep in mind that both sex and exercise have been proven to help reduce stress, so doing both on a regular basis should help you stay relaxed and happy.


Don't forget that sex burns calories. Sure, it has to be fairly vigorous to get your heart rate going, but a 130-lb person can burn about seven calories per five minutes of vigorous sex. Keep it up for an hour, and you'll burn off 88 calories...not bad for having a little fun, plus, you will impress your mate with your incredible endurance.”

So, may basis scientifically... Pero wag naman sanang umabot sa ganitong punto…


nyahahaha! ganito ka ba kaadik sa sex? lol




Article hinugot mula dito



an_indecent_mind

25.10.09

Sex, lust, lies & deceits

You just never know where a person is in his or her life and what they are going through. Never judge another person's scars, because you don't know how they got them...

Ibat iba ang klase ng tao. Each and one of us were made up by our mere choices and decisions in our lives. Same thing, kung ano man ang nais kong mensaheng iparating sa pamamagitan ng aking blog, ay maaaring iba sa pananaw o paniniwala ng sinumang makakabasa nito. Tabi–tabi po…

deceits

Di maitatanggi, madaming mga taong nag-eexist sa cyber world na nagtatago, mapagkunyari, at nasa likod ng mga mapanlinlang na anyo. Isa na ako dun. Nagkukubli sa likod ng isang maskara.
Pero sa isang payak at maliwanag na kadahilanang gusto ko pa ring malayang magsulat nang walang halong pagalilinlangan na mahusgahan at mamisinterpret, pero hindi upang magpanggap. Sa likod ng mga maskarang ito, masasabi kong malaya kong nasasabi at naisusulat ang gusto ko, walang pagkukuwari. Totoo.

Ngunit bakit nga kaya may mga taong kelangan pang gumamit ng ibang katauhan o pagmumukha? Para saan? Di ba, sino bang naloloko nila? Ang mga taong nakapaligid sa kanila o ang mismong sarili nila? Ano naman ang naging masayang parte sa pagkukunwari? Hanggang kelan? Hanggang sa puntong mismong sarili mo ay di mo na kilala ang totoong ikaw?? Nakakatawa. Nakakaawa. Nakakalungkot ang mga taong ganito.

Pero di ko sila masisisi…

“Never judge another person's scars, because you don't know how they got them... “

Lies

Hindi ako perpektong tao at lalong hindi ako santo. In my past, I’ve done bad things, terrible things. Merong ilan na hindi ko naisip noon na maaring makaapekto pala iyon sa aking decision making at reasoning sa pagdating ng panahon. Pero since past na yun, lessons learned na lang.
Oo, lying is one of those bad habits. But, narealize ko na part lang yun ng aking buhay, habang tumatagal nale-lessen ang lies sa buhay ko. Somehow, I learned how to stand with the truth and mustered enough courage to face the consequences behind it.

Why some people are really good at lying? O minsan bulag lang tayo o sarado ang isip para mapick-up kung alin ba ang totoo at hindi sa sinasabi nila? O sadyang magaling lang sila na magsinungaling? Unlike nung ibang tao na hindi maiwasang mangatal ang boses, manginig ang katawan, di mapakali o mamula ang mukha kapag nagsisinungaling sila.. very obvious di ba?
Pero habitual man, self-satisfying, o white lies para sa kahit kanino, di ko naman sila pwedeng basta husgahan…

“Never judge another person's scars, because you don't know how they got them...”


Lust

Isa daw sa seven deadly sins, pagnanasa.

I am speaking about lust, not necessarily pertaining to sexual desire pero pagnanasa sa kahit anong bagay para makuha ito, notwithstanding any hindrance to get it. How to distinguish eagerness to achieve something from lust? That I don’t know. And sometimes, willingly or not, sa sobrang kagustuhan nating makuha o magkaroon ng isang bagay we tend to bend our back and break some rules, may it be social or moral.

Ibat ibang rationale meron ang bawat isang tao kung bakit at pano nya ginagawa ang lahat para makuha ang isang bagay.

If that is to achieve his success in life, maganda yun kasi yung desire to succeed ang tumutulak sa isang tao para makuha ang ninanais nya, against all odds. But to the point of being a user and deceiving anyone or everyone just to gain something or anything that you want? That sucks!
I may be any of this kind, but I know my limitations and capacities. I know how to motivate myself to achieve my goals. I know when to break rules and I open myself for bad consequences. In my past, I may have even crossed some boundary lines and neglected other’s feelings but it’s just me. Kagaya mo. Di perpekto.

But, up to what point healthy ang lust at kelan masasabi na hindi na ito normal? Really, does the end not justifies the means?

“Never judge another person's scars, because you don't know how they got them...”

Sex

Studies proves that sex is healthy to our lives. It releases toxins and relieves tensions each time we do it. On the contrary, lack of sex usually shows irritability and bad mood. (may relevance ba ang pagiging masungit ng matatandang dalaga?? LOL)

Puzzled lang ako. Bakit may ilang taong sexually deprived pa rin although the truth is may mga asawa naman sila? Men are born polygamous. Pero what about yung mga babaeng naghahanap ng sexual life and satisfaction outside their marriage? Should anyone condemn them?

Sa isang pabirong rason ng isang tao na dumadanas ng ganitong sitwasyon; e kasi daw ilokano daw mister nya, pati daw sa sex e tinitipid sya! Pasintabi po sa mga ilokano, pero natawa naman ako sa joke na yun! Pati pala sex pwede ring tipirin??!! LOL

In simple conversation with one of your beautiful and married officemate, how would you react if she would divulge that she is currently enjoying sex with a complete stranger through chatting instead of doing the deed with her husband? Where having sex with her other half only causes her dissatisfaction and most of the times the feeling of rejection? Can you or should you blame her?

To simply open up herself to a complete stranger and discuss about her sex urges up to the point of fantasizing having sex with him, it’s a different course that most of us may sound absurd and taboo but for her it’s just her own way of liberating all her frustrations and humanly needs.
Others may hypocritely despise having this kind of sexual relationship. But can it be one valid reason, if your partner cannot satisfy or fulfill you sexual urges? I think it is a valid ground for annulment di ba?

But, in general view, no one can judge anyone on these cases, even me, dahil di ko naman alam ang totoong nararanasan and anong klaseng dilemma ang pinagdadaanan ng isang tao to do private things like that.

Universal truth, Sex is aligned with our primary needs such as food and shelter on the hierarchy of our basic needs.

However, kung isa ka sa mga above average level na kumikita ng more than enough, kumakain sa mamahaling resto, nabibili ang kahit anong gusto mo anytime, but then nakatali ka sa isang marriage na hindi kayang isatisfy ang sexual needs mo bilang isang tao, matakpan kaya ng material things ang pagiging hollow mo?

Who am I to judge? I have my own flaws and emptiness too..

"Never judge another person's scars, because you don't know how they got them..."



11.7.09

Boss… bate??

Babala: Bawal sa mga bata. Para lang sa mga gaya kong imoral. Wag mo na lang basahin, maeeskandalo ka lang! walang sisihan…

Sa probinsya namin, nauso noon sa sinehan ang dobleng palabas. (Meaning, kung papasok ka sa sinehan, halos apat na oras kang nakatitig sa wide screen nun. At di lang yun, pwede mo pa itong ulit-ulitin hanggat gusto mo!)

Merong tatlong maliliit na lumang sinehan sa amin. At dahil nga di na makasabay sa nagsulputang mga bagong malalaking sinehan e walang paltos na rated-R movies ang kanilang palabas para lang bumenta at makahatak ng mga ma-L na manonood…

Kasagsagan noon ng mga rated-R movies… di ko na rin maalala ang mga sikat na palabas noon. Pero alam ko na pag nabasa mo ang double-meaning at suggestive na movie titles at nakita ang mga still shots sa labas ng sinehan e mapapatigil ka saglit at maiingganyong pumasok sa sinehan.

Minsan lang akong nakapasok sa isa sa mga sinehang nabanggit ko, at talaga namang nagulat ako at hinding hindi ko yun nakalimutan!

Kulang pala ang kwento ng tropa ko na naglipana daw ang mga bading sa loob ng sinehang yun, dahil bago ka pa lang nangangapa sa madilim at may kakaibang amoy na sinehan na yun para makahanap ng di-malagkit na mauupuan e may tatabi na kaagad na bading sa’yo! Sa barubal na deskripsyon nga ng isang kaibigan, pugad nga daw ng bentahan ng laman ang sinehang iyon!

Pero hindi pa dyan natatapos ang lahat… sa kalagitnaan ng pagkatulala sa makamundo at nakapag-init ng laman na movie e may isang may-edad na babae ang biglang papasok sa eksena… may dalang “good morning” towel at alcohol… at halos malakas na pabulong na… “bate bate bate….. kaw boss, bate??”

Hindi ako sumagot nun, pero talaga namang halos mapabunghalit ako ng tawa nung oras na yun!! Ganun ba talaga kagarapal ang bentahan ng kahalayan dun??

Isip ko naman, antapang din naman ata ng apog ng gagamit ng serbisyo ni manang?? Tingin ko lang, sa kalyado nyang kamay (ikaw ba naman na ilang beses gamitin sa loob ng araw??) e mageenjoy ka pa rin dun?? Para ka na ring humimas ng paa ng aso nun!! Wahahaha!!

Di ko nalaman (at di ko na rin pinagtangkaaang itanong) kung magkano ang bayad sa “handjob service” ni manang…

pero naisip ko lang, meron din kayang nagsasabing.. “manang, dagdagan ko bayad ko sayo, ungol ka naman… “

wahahaha!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails