pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label realisasyon. Show all posts
Showing posts with label realisasyon. Show all posts

27.11.10

party party!!!


"don't call me, i'll call you later, andito kasi ngayon si bf"

kung pamilyar sayo yung ganitong linya malamang naranasan mo na ang ganitong klase ng magulong relasyon,at ngayon pa lang e natumbok mo na ang kahulugan ng linyang yan. malamang di na bago sayo yung linyang "manong sa pinakamalapit...", adik ka na rin sa full throttle intensity ng "short time" at alam mo yung literal na kahulugan ng "parang mauubusan".

ang totoo, masarap na mahirap ang ganitong tipo ng relasyon. masarap kasi nga may thrill. para ka na ring palihim na kumakain ng huling slice ng pagkasarap sarap na cake sa ref nyo na di naman sayo at alam mong magagalit ang mayari pag nalaman nyang nilantakan mo ito.. pero sige kain ka pa rin..

di naman ako magmamalinis dahil di naman talaga ako malinis. i've been into same situation before. may gf ako noon but it just happened that my ex-gf and i found each other again after ten long years. once tinanong ko sya, "nasa yo ang lahat ng pagkakataon at magagandang katangian para pumili ng taong magmamahal sayo ng buong buo, pero bakit ako pa?" nakangiti pero walang kakurap kurap nya akong sinagot, "dahil sa ngayon ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kin ng ganito. alam ko naman di permanente to, bukas maaaring maiba ang ihip ng hangin, pero sa ngayon pahiram muna sayo, habang masaya pa tayo sa isat isa. at saka... ano ka ba? mas mahal ang kabit no!"

the joy and pleasure of having an illicit affair.

iba ang pakiramdam, may adrenaline rush sa bawat pagkakataon, may kakaibang thrill, madalas fast forward ang lahat ng bagay. you both know what you want at ginagawa nyo yun without pretentions or hesitations,kasi di nyo naman kelangang magpanggap just to please each other. kasi tanggap nyo ang isa't isa, no more no less. wala kayong sinasayang na oras, itinuturing nyong last na ang bawat araw na magkasama kayo dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat sa inyo.

pektyur mula kay pareng gogol
masarap ang bawal kasi alam mong alam nyang pumili ka na pero pinipili ka pa rin nya.

masarap ang bawal kasi alam mong pumili na sya ng para sa kanya, na sa tingin nya e pinaka the best na para sa kanya, pero heto at pinipili ka pa rin nya.... ibig sabihin ba nun e better ka pa sa best?

pero teka nga, may superlative pa ba ang best?

the torture of having one.

lahat ng saya may downside din yan at eto ang malupit na parte na walang gamot na mabibili kahit san pa mang mercury. yung nakakamatay na lungkot habang nag-iisa ka, naghihintay sa simpleng text message o paramdam, kahit miscall lang sana, masabi lang na naalala ka nya kahit masaya sya sa totoo nyang mundo..

alam mo naman na hindi sya sayo, alam mong di pwede, alam mong ikaw din ang talo sa huli pero sige ka pa rin.. bigay ka pa rin ng bigay.. ano nga bang kapalit? isang oras ng ngiti kapalit ng isang araw na luha. kaunting atensyon. kapirasong oras. isang buong daigdig ng kaligayahan. isang habambuhay ng walang kasiguraduhan na posibilidad, at muli sa paggising mo sa kinabukasan e andun na naman ang pagkasabik mo sa isang tao na di mo alam kung kelan mo ulit makakasama. paulit ulit lang, nakakaadik.

masakit ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung dadating nga ba, pero wala nang mas sasakit pa sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman talaga dadating kahit kelan. pero sa tagal at sa paulit ulit na sakit parang naging manhid ka na rin. minsan nga di mo na alam kung martir ka ba o masokista lang talaga..

masarap sana ang bawal, yun nga lang dapat handa ka rin na maging parang tanga lang, nagaabang sa patak ng ulan. yung para bang ikaw lang lagi ang nagbibigay. umaasa. naghihintay. sa wala.




an_indecent_mind

1.9.10

FU-BU (part 2)


Naaliw naman ako sa talakayan natin dun sa previous post ko.

Sige, further to all your brain-damaging analysis, eto ang aking sariling interpretasyon.

Sa aking opinyon ang diagram na ito ay nagpapakita ng pangkalahatang batayan natin sa pagpili ng makakasama natin sa buhay.

Sa anong aspeto nga ba tayo kadalasan pumipili ng mapapangasawa?

Syempre gusto natin yung matalino pero yung di naman tayo magmumukhang tanga pag kasama o kausap sya. Not necessarily a cum laude grad, but yung may sense naman sana kausap. Wag din naman yung shonga-shongaers at Late Reaction o No Reaction at all!!

Pansin ko lang, pag masyadong matalino ang isang tao madalas mas gusto natin na affiliated na lang tayo sa kanila as our friends. And hesitant tayo to be in relationship with that genius person, because most of us  thinks that having relationship with that type of person is boringggg.

In my personal opinion, di ako pipili ng partner na sobrang talino dahil baka lang di mag-jive ang utak namin kasi di kami magkalevel. Di ko rin naman gugustuhing makipagdicussion ng constellation at heavenly bodies or chemical breakdown ng isang bagay or worst is magbow na lang ng magbow sa kanya, sa buong pagsasama namin.

Pipili ako, yung medyo maganda ang lahi pero yung magbibigay naman sa akin ng dagdag pogi points, at maeenhance ang aking personality pag magkasama kami. Wag naman yung magmumuka akong driver, katulong o “exotic” (termino nga nitong isang kaibigan ko).

Pag “too hot to handle” ka nga pero para namang isang palaman lang sa ulo ang utak mo e di ka naman nakakaamuse. Maganda ka, kelangan ko ang katawan mo, kelangan mo ang init ko ng kasama kausap sa mga gabing malamig, e di sige FU-BU na lang tayo. Pero di ibig sabihin nito e ang mga FU-BU e mga walang utak in general. I don’t think so, tingin ko nga liberated sila at more practical on their own ways. They know what they want in life and knows how to get it. Just friends, with benefits.

Base sa diagram, FU-BUs are merely attracted more on physical attributes at very minimal or none ang mental or emotional aspect. Kasi tingin ko once na pumasok na ang mental or emotional issues, may tendencies na ng expectations at relationship temptation, yung parang may small voice na nagpupush sa idea na etong FU-BU ko is “pwede” at “posible” na maging partner in life kahit na nga from the very beginning e pure pleasure at casual sex lang naman talaga ang setup namin. This may be the stage of awkwardness -- to be or not to be.

Zone of pain, from zero to minimum range ng x and y coordinates. tingin ko eto yung zone ng mga taong less visible sa ating paligid. An average person, di gaanong gifted sa talino at pisikal na aspeto. Di gaanong kagandahan, and very little or lower ang probabibility nila to find their partner in life. (but behold, love moves in mysterious ways ika nga.)

If puro ka talino or puro ka ganda, “in the end it wouldn't work out because both of you exist only in what you SEE and THINK... and not by how you FEEL.” – sabi nga ni roanne.

Sa tingin ko, tama din si poldo, na habang tumataas yung mental along with the physical attractiveness ng isang tao, mas mataas ang probability na ang result ay maging marriage, or mas tumataas ang probability na maging “A” material ka or wife/husband material in the future. On this sense, magiging mabenta/attractive ka sa lahat ng tao sa paligid mo.

All in all, FU-BU is a set up meant to fulfill our sexual urges and to have a companion beside us, in any particular time, WITHOUT EXPECTATIONS.

FU-BU ..... FUnny BUnanas!



an_indecent_mind




24.8.10

Postcripts of a BloodBath

mga parekoy, received this forwarded email msg this morning. thought of sharing this to all my readers and fellow bloggers. hope this would give us all clearer insight and a peek on the other side of the unfortunate event that shook the whole world yesterday.



Postcripts Of A BloodBath

by Bang Lu Min
(One of the Hostages)

Mr. Mendoza was already upset even before he saw on television what the policemen did to his brother. The other tourists who remained inside the bus were complaining. Wei Ji Jiang wanted to go to the bathroom. Dao Chi Yu was hungry and the rest were just groaning and whining like they have forgotten that our lives rest in Mr. Mendoza's hands.

The hostage taker, as you know him was really nice. He treated us okay and even let the elders and the children leave the bus. He said your policemen treated him unfairly. He was a policeman too and was accused of doing something he had no knowledge of. But your government didn't listen so he used us to get everyone's attention.

Things would have never turned for the worst if he didn't see how his family was dragged out of their house and taken into custody. He was watching the news all the time as we huddled around each other behind the bus. He shouted some words in your language then started shooting in the air. A girl about my age started screaming. Mr. Mendoza demanded her to stop but she didn't understand English. God, he had to slash her neck with a knife just to put her to rest. Her boyfriend who tried to hit him was shot in the head.

Tension was rising. You can see in his face how scared and confused he was. The bus driver ran away leaving him alone with strangers from a distant land. I can see him walking across the aisle, sometimes pointing his machine gun to one of the tourists. But he tried his best not to hurt us, especially those who really cooperate.

I guess its in your nature not to inflict pain on others unless it was necessary. I remember him saying that he will free us before sundown and implored us to forget everything when we return home. But his words don't matter now. The policemen were trying to force their way in, while we all lied down to shield ourselves from bullets. Mister Mendoza blindly shoots at his enemies which I think kept them from rescuing us. I hear sobs under the chairs. Some were even shouting the names of their loved ones even when the air merely eat their words. Kevin Tang tried to escape when the glass door was was shattered, but one shot and he slumped on the floor with blood gushing from his mouth.

Heavy rain pitter-pattered on the rooftop. In old Chinese saying, it means an end to a struggle. Finally, somebody was able to open the escape hatch at the back of the bus. Freedom. But I knew Mister Mendoza was still alive. I knew he was just waiting for a chance to strike back at his enemies. So I told those around me not to escape. Let the authorities come for us instead. Then there was gunfire. He was firing at his enemies with a machine gun. Those who were at the escape hatch fled abandoning us once again. It's like a nightmare with no end and to wake up means a certain death. Then somebody from outside the bus threw a canister. It forced out a black smoke that is so painful to the eyes and putrid smelling to the nose. People started screaming. We cannot breathe. Some ran in front of the bus but Mister Mendoza warned them of stray bullets. It was too late. One was hit on the head, the other was hit on the shoulders. Bullets were now flying. Its like the authorities thought we were all dead. Mister Mendoza finally realizes his mistake and said sorry to everyone, dead or alive. He then ran towards the front of the bus where he would meet his maker. As he passed by my chair with bullets whistling overhead, I clutched my hand on the velvet curtain and wrapped it around my face. All I could think of was to stay alive - for my child who is waiting for me back in Xinjang. I know I will survive,

I will come home.



Bang Lu Min
Survivor, Quirino Bloodbath



everything happens for a reason... sa aking sariling opinyon, instead of blaming others for their lapses on this mishap, maybe we should dig deeper unto this... ano na nga ba ang lessons learned?


an_indecent_mind

9.6.10

huwag mo akong salingin



Mataman akong nakikipagtitigan sa papahilom na mga sugat sa braso, tuhod at balikat ko. Isang linggo makalipas ang aksidenteng inabot ko sa basketball, nagsisimula nang kumati ang mga sugat palatandaan na nagsisimula na itong matuyo. Gusto ko sana itong kamutin pero mas namayani ang pagdadalawang-isip.

Makati ang sugat na nababahaw, masarap kamutin! Ngunit alam kong pag nasimulan na mahirap na itong pigilan, sapagkat lalo itong kumakati sa bawat pagkamot at syempre pa dahil kakaiba ang ginhawang naidudulot nito, nakakaadik.

Bagamat madalas tayong sinasabihan na wag kutkutin ang ating sugat kasi magpepeklat mas madalas din na nagiging matigas ang ulo natin. Kapag walang nakatingin, ang simpleng kamot na nagdudulot ng kakaibang ginhawa ay naglelevel up sa pakikialam sa langib ng natutuyong sugat.

Bakit nga ba masarap kutkutin ang nababahaw na sugat? Kasi may halong excitement, anticipation, sakit, sarap at makapigil-hininga ito. Sa unti-unti mong pagtanggal ng langib nito umaasa ka rin na tuluyan nang naghilom ang sugat sa ilalim. Ngunit sa pinakahuling bahagi ng iyong pagtatangka ay bigla na lang itong magdudugo! Bigla kang matatauhan at pilit mong lalagyan ito ng konting pressure para maampat ang pagdurugo nito.. hindi na muna gagalawin.. hindi muna… hanggang sa muling pagkati nito..

Bawat isa sa atin may peklat ng mga nakaraan. Merong malalim, merong mababaw at lahat ay may kakaibang kwentong tinataglay. Sa paglipas ng panahon, yung iba marahil ay limot mo na pero meron din naman na nag-iwan ng malalim na peklat sa iyong katawan at sa alala.

Sa lahat ng sugat sa ating pagkatao, ang sugat sa ating puso ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamatagal maghilom. At sa paglipas ng panahon, merong ilang malalalim na sugat na nagmarka sa ating puso ang aakalain nating tuluyan nang natuyo ngunit kagaya din ng isang ordinaryong sugat sa tuhod na ating kinakamot at kinukutkot, magugulat ka na lang isang araw na ang inakala nating bahaw na sugat sa ating puso ay di pa pala lubusang natutuyo, na pag di sinasadyang nasaling ng isang pangyayari o pinangahasang kutkutin ng isang tao ay muli itong magdurugo.

Maaring ang sugat sa puso ang pinakamatagal na mabahaw sa lahat ng mga tinamo nating sugat sa ating katawan, lalo na kung malalim ang sugat nito. Pero kagaya ng lahat ng sugat, maghihilom din ito.. hindi agad-agad, hindi madali, pero maghihilom din.. sa pagdating ng panahon..

Wag kamutin at wag kutkutin, magpepeklat.

Wag pilitin, hayaan lang na kusang matuyo.

A time to heal.

 
 
 
pektyur ninakaw mula sa flickr
 
 
 
 
 

13.5.10

a time for later

Butil butil na ang pawis mo sa noo, pati panyo mo basang basa na dahil sa pawisan mong mga kamay, nanginginig pa ang mga tuhod mo, mga kabog sa iyong dibdib na daig pa ang mga kabayong nagstampede! Nawala na din ang mga litanyang paulit ulit mong prinaktis ng makailang ulit sa harap ng salamin. Sayang naman ang japorms mo, antagal mo pa naman inipon ang perang ipinambili mo ng terno. Mas nagmukha ka na ngang tao ngayon, ano pang ipinag-aalala mo? Antagal mo nang binalak na sya ay lapitan upang magpakilala pero wala kinakain ka lagi ng mga daga na namahay na sa iyong dibdib, nagkakasya ka na lang sa pagpasok ng sobrang aga sa araw araw para makasabay mo sya sa MRT at sa inyong elevator. Gagahibla na lang ang pwersang nagtutulak sa iyo upang ituloy ang matagal mo nang binabalak.. Tamang tama sana ang party na to, matagal mo tong binalak at pinag-ipunan.. ilang tugtog na ba ang iyong pinalagpas? ilang officemate mo na ang nakasingit at naisayaw sya? dapat ikaw na.. ngayon na, pagkakataon mo na syang lapitan…

wala nang ibang pagkakataon, ngayon na. wala na bukas…

Ang ating buhay daw ay isang napakalaking pagkakataon. Ang bawat nagdadaang araw sa iyong buhay ay isang pagsubok, isang hamon para patunayan ang iyong kakayahan, maging kakaiba, gumawa ng kakaiba, maging isang instrumento para sa ibang tao, isang pagkakataon para tuparin ang iyong mga mithiin sa buhay, isang pagkakataon upang patunayan ang tunay na kabuluhan ng iyong buhay sa mundo.

Pagkakataon. Patunayan. Ngayon.

Sapagkat di natin hawak ang ating buhay. Hiram lang, maaring bawiin kahit anong oras.

Maaaring ngayon ay humihigop ka lang ng mamahaling kape ng mga sosyal o kaya naman ay sinusulit ang unli mo o kaya naman ay pasimpleng petiks sa trabaho, pero walang ibang nakakaalam na maaaring ito na pala ang huling araw mo sa mundo. Yun, nasayang ang pagkakataon mo. Tingin mo kung mamamatay ka ngayon may napatunayan ka na ba sa sarili mo? Anong alaala naman ang maiiwan mo para maipagmalaki ka ng mga magulang mo o ng asawa at mga anak mong maiiwan? Hahayaan mo bang maging kagaya ka din ng iba na makalipas ang apatnapung araw ng pagpipighati sa iyong kamatayan ay tuwing bday mo na lang, araw ng kamatayan at araw ng mga patay kung ikaw ay maaalaala?

A time for later. Para sa mga bagay na hindi mo nagawa o nasabi.

Maigsi lang ang buhay. Ano pang hinihintay mo? Paano kung bigla ka na lang mawala sa mundo o bigla ka na lang di na magising bukas, ano pang magagawa mo?

Kelan mo pa ipapadama na mahal mo ang iyong mga magulang? Kelan mo sila papatawarin sa ginawa nilang pagpapalaki sa yo na di umaabot sa iyong pamantayan at sa pagmamahal na hindi nila naipakita o tuwirang naiparamdam sa yo? Di mo ba naisip na masyado lang silang naging okupado sa pagsisikap na maibigay ang lahat sayo? Tao din sila nagkakamali, walang perpektong magulang. Trial and error pa rin ang ginamit nila sa pagpapalaki sayo. Pagbali-baligtarin mo man ang mundo sila pa rin ang mga magulang mo. Wag mong asahan na sila pa ang maunang magpakumbaba at humingi ng tawad. Kung ikaw ang nakakakita ng mga mali, ikaw ang mas malawak ang pangunawa at alam mo kung nasaan ang butas, bakit hindi mo ito kusang takpan? Gaano ka ba talaga katigas? Hanggang kelan pa? marami ka pa bang oras? Baka pagsisihan mo lang yan at itangis. Magagawan naman siguro ng paraan. Pagisipan mong mabuti.

Para sa mga magkaibigan na pinaghiwalay ng magkaibang pananaw sa buhay. Dati rati ay walang kasing kulay ang inyong samahan. Wala kayong hindi pinagkakasunduan. Maaayos pa naman ang lahat. Maibabalik pa ang lahat. Hindi naman kelangan ng himala. Lunukin na ang pride, tanggapin na hindi sa lahat ng bagay ay magkakasundo kayo. Iisa man ang tinitibok ng puso nyo magkaiba pa rin ang takbo ng isip nyo dahil kayo ay dalawang nilalang, may sariling mga pagiiisip. Alalahanin mong mabuti hindi mo sya nagustuhan dahil pareho kayo ng hilig. Minahal mo sya dahil tanggap ka nya at naiintindihan ang pagkatao mo kahit ano ka pa. Dahil lagi syang andyan kapag kailangan mo sya at ikaw din sa kanya. Kaibigan mo sya dahil mahal mo sya at hindi dahil mahal ka nya. Dahil sya ang totoong tao na nagsasabi ng mga mali mo, sya na nakakakita ng flaws mo pero sa kabila ng lahat di ka pa rin nya iniiwan. Kalimutan nyo na ang nagdaang unos sa buhay nyo, life is too short to argue with petty things, move on. Ngayon. Wala nang panahon. Wag mong aksayahin ang bawat araw na masama ang loob mo. Sayang lang ang oras.

Sa iyong buhay, ilang pagkakataon na ang nasayang mo sa kakahintay ng pagkakataon na nakalagpas na pala o yun pala e di naman talaga dadating? Words left unsaid, things left undone, feelings left undisclosed.

Sa lahat ng pagkakataong nasayang, wala namang magandang naidulot ito sayo kundi puro agam agam lang, puro what if’s, puro multo ng nakaraan, pagsisisi. Na kung ginawa mo lang sana at di ka na nagpatumpik tumpik pa disin sana ay nagbunga. Di man ayon sa iyong plano o gusto at least alam mong may ginawa ka para subukang matupad ito.

Ngunit ikaw, ikaw na may kakayanan para mabago ang iyong buhay ngayon ano pang pinagpapatumpik tumpik mo dyan? tama na ang pagpapacute. Tama na ang pasakalye. Tama na ang paramdam. Wag kang umasta na friendly ka lang, huwag kang umasal na parang wala lang. Obvious na. Dumiretso ka, tumbukin mo na, wala nang oras para magpaligoy ligoy. Sayang ang oras. Ikaw din, maunahan ka pa ng iba, sino ang magiging kawawa?

Simple lang parekoy, wag mo nang ipagpabukas pa ang kaya mong gawin ngayon.

Pero hindi ko naman minamasama ang “a time for later”. Angkop ito at sumasaludo ako sa mga pusong walang sawa sa pagtibok at paghihintay sa pagbabalik ng isang pag-ibig kasabay ang pag-asang di mamatay-matay. Sa pag-asang magkakasama din sila sa bandang huli, sa kabila ng lahat ng hirap at pain. Kung ikaw ito, alam kong alam mo na dadating din ang panahon para sa inyong dalawa.

A time for us, later. Para sa dalawang puso na nagsumpaan. Sa dalawang kaluluwang walang laya sa kasalukuyan. Sa pag-ibig na pinaghihiwalay ng milya-milyang distansya. Sa mga pusong umaasa na sa bandang huli din ay magiging sila, sana…


Sensya na po.. isang walang kabuluhang post. Pasensya na kung magulo.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails