pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label ang buhay ay parang sine. Show all posts
Showing posts with label ang buhay ay parang sine. Show all posts

4.12.11

ang bawat bata....


Mommy, ayoko na mag-aral...
Ha? Bakit naman?
Kasi baka magalit ka sa akin...
Bakit naman ako magagalit?
Kasi minsan may mali ako sa exams.
Mommy, nahihiya ako sa 'yo pag hinde ako magaling sa school... :((

(This is an excerpt from a friend’s FB wall; conversation with her 4-year old kiddo over dinner..)

****

Sa maraming mga pagkakataon, napapatitig ako sa mga bata na malayang naglalaro, nagtatampisaw sa ulan, walang kapaguran sa pakikipaghabulan, taglay ang mga inosenteng halakhakan at ningning sa kanilang mga mata.

Ansarap nilang tingnan no?

Ni hindi mo nga mamamalayan na tumatakbo ang oras sa panonood lang sa kanila... di natin maiwasang mainggit -- mabuti pa ang mga batang ito walang iniisip na anumang problema.

Kakain pag nagutom, babalik sa paglalaro kapag nabusog, matutulog kapag napagod, iiyak kapag nasaktan, tatahan pag niyakap at inalo alo...

Napakasimple lang ng kanilang buhay.

Marahil kagaya ko rin, labis kang natutuwa sa early development ng mga bata ngayon. Mas makulit, mas madaldal, mas madaming alam. At oo syempre naman hindi ako kelangan magpatalo sa makukulit nilang mga tanong at walang katapusang "bakit??".

Kadalasan pag nakikita natin yung kabibohan at potensyal nila, mas pinipili nating magsimula silang mas matuto at palawakin ang pakikisalamuha sa maagang pagpasok sa eskwelahan. Minsan nga lang nakakaligtaan natin na sa kanilang murang edad e dapat sana nag eenjoy pa sya sa paglalaro at pagtuklas ng mga bagay -- sa labas ng mga dingding ng paaralan.

Noong nag-aaral pa tayo pinipilit din nating maabot ang pinakamataas na marka, pinakamataas na karangalan, maging pinakasikat sa klase, pambato ng school. Sa mga katagang madalas nating marinig sa ibang tao na “malayo ang mararating ng batang to” o kaya sa tuwing pinupuri tayo ng ating mga magulang sa harap ng kanilang mga kaibigan, di natin maiwasang mangiti. Masarap sa pakiramdam.

Pero kapalit ng lahat ng pagpapaka nerd mo at walang katapusang pagsusunog ng kilay, di mo na napansin na nasakripisyo na pala ang sariling oras para mas matikman mo ang sarap ng iyong kabataan. Nagising ka na lang isang umaga na nasanay ka na lang na nakikipagkumpetensya sa lahat ng nasa paligid mo.

Hanggang ngayon hindi ka pwdeng pumetiks kahit saglit, parang anlaking kasalanan pag rumelax relax lang.. Magmula sa apat na sulok ng mababang paaralan paakyat sa bawat palapag ng iyong munting cubicle na ginagalawan, tuloy pa rin ang pakikipagtunggali mo sa mundong iyong nakagisnan.

Survival of the fittest. Nakalakhan mo na at nakasanayan ang pressure at kumpetisyon.

Pero kelan na nga ba ang panahon para i-enjoy ang lahat sa buhay mo? ang lahat lahat ng pinagpaguran mo? pag retired ka na? sa panahong malayo na ang loob ng anak mo sayo? sa panahong dalawa na lang kayo ng asawa mo? sa panahong hindi mo na kaya pang magbyahe ng malayo at matagal dahil sa katandaan mo? Darating ang panahon, saglit kang lilingon sa lahat ng nagawa mo, sa lahat ng meron ka. Kakapain mo sa sarili mo, para san nga ba lahat ng pinaghirapan ko? Masaya na nga ba ako ngayong nasa akin na ang mga bagay na noon ay pinapangarap ko lamang?

Kundangan kasi noong bata pa tayo bakit ba kase masyado tayong nagmamadali sa ating paglaki at pinipilit hatakin ang panahon? Tapos ngayon kung kelan tumatanda na at nagkaisip saka naman pilit pinapabagal ang mundo sa pag ikot nito.

Ngayon lagi na tayong nakalingon sa ating pagkabata, yung panahon na kung kelan napakasimple lang ng buhay. Ang sarap lang sanang balikan yung panahon na lahat ng bagay ay hindi pa ganun kakumplikado, na pwede kang magdesisyon nang walang inaalalang ibang maaapektuhan kundi ang iyong sarili. Pero di na ganun kasimple ang lahat.

Kaya’t sa aking pagtanda, sa paglaki ng aking magiging mga anak, sana kahit papaano matulungan ko sila na maramdaman ang tunay na saya ng pagkabata. Maranasan sana nila ang buhay at its fullest at magenjoy. Maipadama ko sana na ang buhay ay hindi lang umiikot sa pagiging number one sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Na higit na mahalaga na makita nila ang ibat ibang aspeto buhay lalo na ang mabuting pakikipagkapwa at maappreciate ang mga bagay na meron sila, maliit man o malaki.


I think everybody should get rich and famous
and do everything they ever dreamed of
so they can see that it's not the answer.
Jim Carrey

**pix mula kay google
 
 
an_indecent_mind
 

22.9.11

Peksman! Mamatay man!



Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.

Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,

"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)

pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
 
palabra de honor

Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.

Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".

Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?

The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte


Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.

Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?

“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?


Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?

Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”

Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”

Ikaw, mahilig ka bang mangako?




an_indecent_mind




11.12.10

bitin-ari... (itinerary)

now...... tagtuyot.


10...9...8...7..6...5...4...3..2...1.......


bakasyon. \m/



family. >:d< :-* :x

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex.sex. sex. sex. sex..... :-> :-"



pasko. :-bd

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex.sex. sex. sex. sex..... :-> :-"



EB. >:d<

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels.- black label. hik! 8-} :-&

sex? :-?



kamayan sa palaisdaan. =p~

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s



reunion AMPONs. >:d<

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&



reunion BJs. >:d<

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex. :-> :-"



get-together EDISONIANs. >:d<

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex. sex. :-> :-"



bagong taon. paputok. \m/

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sexxxxxxx. plok. plok. plok. <:-p



EB. >:d<

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. burp. #:-s

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

no sex. :-s



barangay ginebra. pleasure. :-bd \m/



BDAY. :-bd \m/ <:-p

sex.sex. sex. sex. sex..... :-> :-"

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. seafoods. burp. #:-s

sex.sex. sex. sex..... :-> :-"

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex.sex. sex...... :-> :-"

shisha. @-)

sex.sex..... :-> :-"

sex...... :-> :-"

sex. ulk ulk ulk.  ^#(^



family. >:d< :-* :x

tagaytay/enchanted kingdom.

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. seafoods. burp. #:-s



SAGADA. pleasure. nature trip. food trip. 8-> :-bd

sex. :-"



family. >:d< :-* :x

ocean park/MOA. kaching kaching kaching. :-ss

LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. seafoods. burp. #:-s



beach. nature trip. :-bd
LAMON. baboy.pork. baboy. pork. baboy. seafoods. burp. #:-s

sex. :-> :-"

LAKLAK. red horse. pilsen. san mig. lambanog. matador. gin bulag. emperador. jose cuervo. jack daniels. black label. hik! 8-} :-&

sex. :-> :-"



malls. pleasure. chickababes. kaching kaching kaching. :# :-s

sex. :-> :-"



sex. :-> :-"



sex. :-> :-"



sex. :-> :-"



sex. :-> :-"



sex. :-> :-"



kaching. kahing. kaching. :-?? :-s



sex.



sex.



sex.



sex, sex, sex,sexxxx... repeat til faint. (: (: (: (: (:



back to reality. :-h :-<



:(



an_indecent_mind



P.S.
A_I_M itinerary patented. kathang isip po lamang. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya. JOKE LEMENG YUNG SEX.

27.11.10

party party!!!


"don't call me, i'll call you later, andito kasi ngayon si bf"

kung pamilyar sayo yung ganitong linya malamang naranasan mo na ang ganitong klase ng magulong relasyon,at ngayon pa lang e natumbok mo na ang kahulugan ng linyang yan. malamang di na bago sayo yung linyang "manong sa pinakamalapit...", adik ka na rin sa full throttle intensity ng "short time" at alam mo yung literal na kahulugan ng "parang mauubusan".

ang totoo, masarap na mahirap ang ganitong tipo ng relasyon. masarap kasi nga may thrill. para ka na ring palihim na kumakain ng huling slice ng pagkasarap sarap na cake sa ref nyo na di naman sayo at alam mong magagalit ang mayari pag nalaman nyang nilantakan mo ito.. pero sige kain ka pa rin..

di naman ako magmamalinis dahil di naman talaga ako malinis. i've been into same situation before. may gf ako noon but it just happened that my ex-gf and i found each other again after ten long years. once tinanong ko sya, "nasa yo ang lahat ng pagkakataon at magagandang katangian para pumili ng taong magmamahal sayo ng buong buo, pero bakit ako pa?" nakangiti pero walang kakurap kurap nya akong sinagot, "dahil sa ngayon ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kin ng ganito. alam ko naman di permanente to, bukas maaaring maiba ang ihip ng hangin, pero sa ngayon pahiram muna sayo, habang masaya pa tayo sa isat isa. at saka... ano ka ba? mas mahal ang kabit no!"

the joy and pleasure of having an illicit affair.

iba ang pakiramdam, may adrenaline rush sa bawat pagkakataon, may kakaibang thrill, madalas fast forward ang lahat ng bagay. you both know what you want at ginagawa nyo yun without pretentions or hesitations,kasi di nyo naman kelangang magpanggap just to please each other. kasi tanggap nyo ang isa't isa, no more no less. wala kayong sinasayang na oras, itinuturing nyong last na ang bawat araw na magkasama kayo dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat sa inyo.

pektyur mula kay pareng gogol
masarap ang bawal kasi alam mong alam nyang pumili ka na pero pinipili ka pa rin nya.

masarap ang bawal kasi alam mong pumili na sya ng para sa kanya, na sa tingin nya e pinaka the best na para sa kanya, pero heto at pinipili ka pa rin nya.... ibig sabihin ba nun e better ka pa sa best?

pero teka nga, may superlative pa ba ang best?

the torture of having one.

lahat ng saya may downside din yan at eto ang malupit na parte na walang gamot na mabibili kahit san pa mang mercury. yung nakakamatay na lungkot habang nag-iisa ka, naghihintay sa simpleng text message o paramdam, kahit miscall lang sana, masabi lang na naalala ka nya kahit masaya sya sa totoo nyang mundo..

alam mo naman na hindi sya sayo, alam mong di pwede, alam mong ikaw din ang talo sa huli pero sige ka pa rin.. bigay ka pa rin ng bigay.. ano nga bang kapalit? isang oras ng ngiti kapalit ng isang araw na luha. kaunting atensyon. kapirasong oras. isang buong daigdig ng kaligayahan. isang habambuhay ng walang kasiguraduhan na posibilidad, at muli sa paggising mo sa kinabukasan e andun na naman ang pagkasabik mo sa isang tao na di mo alam kung kelan mo ulit makakasama. paulit ulit lang, nakakaadik.

masakit ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung dadating nga ba, pero wala nang mas sasakit pa sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman talaga dadating kahit kelan. pero sa tagal at sa paulit ulit na sakit parang naging manhid ka na rin. minsan nga di mo na alam kung martir ka ba o masokista lang talaga..

masarap sana ang bawal, yun nga lang dapat handa ka rin na maging parang tanga lang, nagaabang sa patak ng ulan. yung para bang ikaw lang lagi ang nagbibigay. umaasa. naghihintay. sa wala.




an_indecent_mind

8.10.10

People in our Lives

Along the journey of our so-called lives, all of us encounters different people -- a friend, a foe and lots of strangers.

Some of them stayed in our life longer than we asked for, others were just short chance encounters. There were people who, at most of the times, we can only remember them by occasions, by a specific place which connotes them, or be recognized through their nameless faces, but most probably we remember them on how they really influenced or altered our lives.

May mga taong sa una pa lang e kasundo na agad natin sa interes, habits, moods, ugali, sa mga kalokohan, bulungan ng mga lihim ng buhay natin, sandalan, yung mga walang sawang nakikinig sa mga hinaing natin sa buhay, sila yung mga itinuturing natin na mga TUNAY na kaibigan.

Meron din namang ilang mga tao na parang hangin lang na dumaan sa buhay natin, unexpected ang pagkikita pero tumatatak sa ating buhay. Kadalasan impormal ang ugnayan natin sa kanila, masaya tayo na andyan lang sya, bahagi ng buhay natin. We never even asked for more. We never even dared to confront kung ano ba ang papel natin sa buhay nya or nya sa buhay natin. Ang importante e masaya tayo. Pero sila ang mga taong di permanente sa buhay natin. Touch and Go. Mabilis lang, will keep you hanging, but surely they will be  remembered.

Meron ding iilang piling tao ang may kaya na tayo’y pahalakhakin kahit on their corniest jokes o kahit sobrang down na tayo e kaya pa rin nila tayong pangitiin - effortlessly. Sila yung tao sa buhay natin na kaya nating ibigay ang lahat ng nasa atin - to the extent na kahit wala nang matira para sa ating sarili. Sila yung taong nagiging inspirasyon natin to continue striving with our lives – no matter what. Sila yung mga tao na itinuturing nating special sa ating buhay. "A perfect fit" ika nga. Our other half.

But, sa mga taong nabanggit above, dumadating ang pagkakataon na isa sa inyo ang magsasawa at eventually e maghahanap ng something more exciting, stability or ng assurance. Under any given circumstances, merong maghahanap ng MAS sa kung anuman ang meron kayo, and magmomove-on.


"it's not you, it's me."

Masakit marinig ang linyang to. Wala namang goodbyes na madali lang lunukin, lalo pa kung lahat ng sacrifices e ginawa na natin para lang maging masaya sya at mag-stay na lang. Pero that’s life, we tend to hold on to our “rare find”, we tend to hold on no matter how painful it gets. Pero minsan nakakalimutan na din natin na it is not our decision to make who should stay in our lives. Actually, it is not our choice, it’s up to them. Ang masakit lang kasi talaga e kung tayo ang maiiwanan. What the hell is wrong with me???!!

Minsan kasi, kahit gaano ka-perfect fit ang isang tao para sa atin, kahit na alam natin na sya yung matagal na nating ipinagdadasal, kahit na sya yung “ito na talaga to”….. later on, marerealize natin na hindi pala sya yung kelangan natin sa buhay o kaya naman e hindi nya lang talaga kayang pumirmi ng matagal sa buhay natin. Well, that's life.

In this case, we should not be bitter or sad. Instead of wallowing on how unfair life is on us, for not having the person that we waited and fought for, maybe we should be thankful that once in our life, we were graced by their presence and we experienced something wonderful because of them. Everything happens for a reason. Most probably something better is in store for us. Something bigger. Just wait.

"Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same."
- UNKNOWN

Minsan ba, gaya ko ngayon, naiisip mo lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo? Kung gaano ka nila binago? Kung gaano nila naapektuhan ang buhay mo sa kasalukuyan? Kung gaano karami o kabigat ng mga desisyon sa buhay ang nagawa mo at hindi nagawa dahil sa taong yun? What ifs?

Minsan ba nalungkot ka na rin na pagkalipas ng maraming panahon sa iyong paglingon e makikita mong muli ang isang tao na naging malaking parte ng buhay mo e andun sa isang sulok - NAG-IISA.




*pektyur galing dito



an_indecent_mind

12.9.10

Pisil

Tawanan tayo ng tawanan. Scrabble, sudoku, panay ang pakwela ko, sige naman ang tawa mo sa mga corny kong jokes. Sa bawat hagikhik mo, na musika sa aking pandinig, may kasabay itong pagtapik sa hita ko, sa balikat, sa kamay, lalo naman akong ginaganahan, lalo akong nagiging corny pero sige lang, bungisngis ka pa rin. Nakatingin lang sa atin ang mga kaibigan mo, nagtataka marahil sa ting dalawa, dahil mukang may kakaiba. Pero siguro ayaw nilang bigyan ng anumang malisya.

Alas onse na ng gabi pero maliwanag pa?? may araw pa?? pero kelangan na nating umuwi, baka mapagalitan ka na ni Donya Adelaida -- ang iyong ina. kaninong kotse ba tong sinasakyan natin? Di to sa akin, di din sa yo, di din sa dalawa mo pang kaibigan.. e sino ba tong driver natin? di ko makilala ang mukha.. baka san tayo dalhin nito? “easy ka lang, wag kang masyadong paranoid dyan ok?” sabay pisil mo sa kamay ko. Kumalma naman ako, pero iniisip ko kung para san ang pisil na yun.

Pagod na ako, mabigat ang mata, gusto kong umidlip habang nagbyabyahe tayo pero ayaw ko yatang matulog. Nageenjoy ako sa mga tawa mo, nageenjoy ako sa siksikang pwesto natin dito sa hulihang upuan ng kotseng ito. Teka, bakante naman ang upuan sa unahan, pero bakit tayo nagpipilit umupo dito sa hulihan? Ayokong itanong yan, kasi nageenjoy naman ako sa magkadikit nating mga katawan. Para tayong kambal tuko, para tayong sardinas na walang sarsa, para na tayong magkaakap sa sobrang dikit, para tayong may relasyon – pero wala, hindi.

Naglalakad tayo sa dilim, panay ang kapit mo sa akin, sige ang alalay ko sayo. “gentleman ka pala huh?” ngiti lang ako, pero may pumintig sa pagkatao ko nung sinabi mo iyon – ang aking puso. Bigla tuloy, parang gusto kong makasalubong ng mga lasing na tambay, yung mga bastos -- ipagtatanggol kita. Makikipagbasagan ako ng bungo para sayo, magpapakamatay para sayo, para masabi mong kaya kitang ipagtanggol. At matapos mawasak ang mukha ko, aalalayan mo ako at gagamutin ang mga sugat at pasa ko, sa puntong iyon, parang pelikula, magtatama ang ating mga paningin, na tila may isang malakas na magnetong humahatak sa ating mga labi, unti unti, tatahimik ang buong paligid habang papalapit ang ating mga mukha sa isa't isa, tanging mga kalabog lang ng ating mga puso ang maririnig, dahan dahan, papalapit nang papalapit, dahan dahan… pero walang ganyang pangyayari.. kasi nga walang mga lasing na tambay… badtrip!

Inihatid natin ang mga kaibigan mo sa mga bahay nila. Alas dos na pala ng umaga? bakit andami pa ring tao sa kalsada? Anong meron? Lumiko tayo malapit sa inyo, nagkadikit muli ang ating mga kamay, hinawakan mo ang kamay ko at pinisil. Napatingin ako sayo, gusto kong magtanong kung anong ibig sabihin nun, gusto kitang hatakin sa dilim… pero huwag, wholesome dapat ako! at hindi dapat masira ang mgandang gabing ito..

Nakita natin sa kanto ang adviser ko nung 4th year hiskul ako, nagulat sya na magkasama tayo, nagulat sya na magkahawak ang ating mga kamay. nagulat sya at nagtanong sya kung tayo daw ba? nagulat ako bakit kilala ka nya, nagulat ako bakit andun sya e di naman sya dun nakatira, nagulat ako bakit alas dos na ng umaga e may matanda pang kagaya nya na nakatambay pa sa labas??

Biglang nagkagulo, may nakita tayong mga liwanag mula sa kalangitan…  UFO! aliens! laser beams! ingay ng mga kanyon! huh?? pamilyar sa kin yun ah??! Di ba sila ang mga karakter sa larong “madness” sa cp ko? Madami nang patay na aliens, wala silang magawa sa nakasetup na mga kanyon at laser beams. May isa na lang natitirang malaking alien, Reyna nila siguro yun. Nakita nya ang mga high-tension wires sa isang substation. Binabatak nya ang mga ito at nagblackout sa buong lugar. Nagkagulo na, nagsigawan. Bigla kang nagtanong, "Pano ba gumagana ang kuryente? Pano ba nagkakakuryente?" "Ehem! Genius ako dyan, pagkakataon ko nang maging matalino sa paningin mo. umpisahan natin sa rotor at stator gusto mo?" Sabi mo sa eksplanasyon lang na maiintindihan mo. Andami kong nasabi, capacitors transformers, battery, power grid, substations, towers, pansit pansitan na ninanakaw at ginagawang stainless na planggana at kaserola… pero di ko lam kung may nainitindihan ka, tumango ka lang pero di ka na ulit nagtanong.

Nakarating tayo sa mansyon nyo, tulog pa ata si Donya Adelaida, katulong nyong pupungas pungas pa ang nagbukas ng gate nyo..

Tahimik ang paligid, may konting liwanag lang na bumabalot sa atin mula sa poste sa tapat ng gate nyo... umakap ka sa akin.. matagal, mahigpit, ramdam ko ang tibok ng puso mo, ramdam ko ang init ng katawan mo, nakasubsob ka lang sa dibdib ko. Tingin ko ayaw mo nang matapos ang gabi. Hinawakan ko ang baba mo, itinaas ito at hinagilap ang mata mo, nagtatanong ang aking mga mata. Tahimik ka lang, nakatitig sa kin, naghihintay ng mga susunod na pangyayari.. bahala na, lalakasan ko na ang loob ko… eto na to…. pinikit ko na rin ang aking mga mata, sa tantya ko e kulang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng ating mga labi.. ramdam ko na ang init ng iyong hininga….

 
Nang biglang… BLAAAGGG!!!

May kumalabog! Bigla akong nagising!!!

Poteekk! Badtrip!!!!


----

Nonsense na post to.. pero gusto ko lang idokumento ito dito, madalas kasing magkatotoo ang mga panaginip ko.. weird no? pero totoo.. maybe months or years from now, babalikan ko tong post na to.. and iconfirm kung alin ang mga nagkakatotoo.. na hindi sya dejavu pero panaginip lang dati.

yung aliens? Hehe! Produkto na lang siguro ng subconsciuous mind ko epekto ng sobrang kakalaro kaya nahalo na pati sa panaginip ko..


an_indecent_mind


pektyur ninakaw mula sa flickr.com


30.8.10

FU-BU



BOY: Ei! whats up?

GIRL: Wala nga e…. boringgggg….

BOY: Sinong andyan?

GIRL: Wala, ako lang.

BOY: need company?

GIRL: Yeah. Dala ka ng wine ha?

BOY: I’ll be there in few minutes!




aware ka ba dito? anong masasabi mo sa relasyong kaswal na to?





an_indecent_mind

13.5.10

a time for later

Butil butil na ang pawis mo sa noo, pati panyo mo basang basa na dahil sa pawisan mong mga kamay, nanginginig pa ang mga tuhod mo, mga kabog sa iyong dibdib na daig pa ang mga kabayong nagstampede! Nawala na din ang mga litanyang paulit ulit mong prinaktis ng makailang ulit sa harap ng salamin. Sayang naman ang japorms mo, antagal mo pa naman inipon ang perang ipinambili mo ng terno. Mas nagmukha ka na ngang tao ngayon, ano pang ipinag-aalala mo? Antagal mo nang binalak na sya ay lapitan upang magpakilala pero wala kinakain ka lagi ng mga daga na namahay na sa iyong dibdib, nagkakasya ka na lang sa pagpasok ng sobrang aga sa araw araw para makasabay mo sya sa MRT at sa inyong elevator. Gagahibla na lang ang pwersang nagtutulak sa iyo upang ituloy ang matagal mo nang binabalak.. Tamang tama sana ang party na to, matagal mo tong binalak at pinag-ipunan.. ilang tugtog na ba ang iyong pinalagpas? ilang officemate mo na ang nakasingit at naisayaw sya? dapat ikaw na.. ngayon na, pagkakataon mo na syang lapitan…

wala nang ibang pagkakataon, ngayon na. wala na bukas…

Ang ating buhay daw ay isang napakalaking pagkakataon. Ang bawat nagdadaang araw sa iyong buhay ay isang pagsubok, isang hamon para patunayan ang iyong kakayahan, maging kakaiba, gumawa ng kakaiba, maging isang instrumento para sa ibang tao, isang pagkakataon para tuparin ang iyong mga mithiin sa buhay, isang pagkakataon upang patunayan ang tunay na kabuluhan ng iyong buhay sa mundo.

Pagkakataon. Patunayan. Ngayon.

Sapagkat di natin hawak ang ating buhay. Hiram lang, maaring bawiin kahit anong oras.

Maaaring ngayon ay humihigop ka lang ng mamahaling kape ng mga sosyal o kaya naman ay sinusulit ang unli mo o kaya naman ay pasimpleng petiks sa trabaho, pero walang ibang nakakaalam na maaaring ito na pala ang huling araw mo sa mundo. Yun, nasayang ang pagkakataon mo. Tingin mo kung mamamatay ka ngayon may napatunayan ka na ba sa sarili mo? Anong alaala naman ang maiiwan mo para maipagmalaki ka ng mga magulang mo o ng asawa at mga anak mong maiiwan? Hahayaan mo bang maging kagaya ka din ng iba na makalipas ang apatnapung araw ng pagpipighati sa iyong kamatayan ay tuwing bday mo na lang, araw ng kamatayan at araw ng mga patay kung ikaw ay maaalaala?

A time for later. Para sa mga bagay na hindi mo nagawa o nasabi.

Maigsi lang ang buhay. Ano pang hinihintay mo? Paano kung bigla ka na lang mawala sa mundo o bigla ka na lang di na magising bukas, ano pang magagawa mo?

Kelan mo pa ipapadama na mahal mo ang iyong mga magulang? Kelan mo sila papatawarin sa ginawa nilang pagpapalaki sa yo na di umaabot sa iyong pamantayan at sa pagmamahal na hindi nila naipakita o tuwirang naiparamdam sa yo? Di mo ba naisip na masyado lang silang naging okupado sa pagsisikap na maibigay ang lahat sayo? Tao din sila nagkakamali, walang perpektong magulang. Trial and error pa rin ang ginamit nila sa pagpapalaki sayo. Pagbali-baligtarin mo man ang mundo sila pa rin ang mga magulang mo. Wag mong asahan na sila pa ang maunang magpakumbaba at humingi ng tawad. Kung ikaw ang nakakakita ng mga mali, ikaw ang mas malawak ang pangunawa at alam mo kung nasaan ang butas, bakit hindi mo ito kusang takpan? Gaano ka ba talaga katigas? Hanggang kelan pa? marami ka pa bang oras? Baka pagsisihan mo lang yan at itangis. Magagawan naman siguro ng paraan. Pagisipan mong mabuti.

Para sa mga magkaibigan na pinaghiwalay ng magkaibang pananaw sa buhay. Dati rati ay walang kasing kulay ang inyong samahan. Wala kayong hindi pinagkakasunduan. Maaayos pa naman ang lahat. Maibabalik pa ang lahat. Hindi naman kelangan ng himala. Lunukin na ang pride, tanggapin na hindi sa lahat ng bagay ay magkakasundo kayo. Iisa man ang tinitibok ng puso nyo magkaiba pa rin ang takbo ng isip nyo dahil kayo ay dalawang nilalang, may sariling mga pagiiisip. Alalahanin mong mabuti hindi mo sya nagustuhan dahil pareho kayo ng hilig. Minahal mo sya dahil tanggap ka nya at naiintindihan ang pagkatao mo kahit ano ka pa. Dahil lagi syang andyan kapag kailangan mo sya at ikaw din sa kanya. Kaibigan mo sya dahil mahal mo sya at hindi dahil mahal ka nya. Dahil sya ang totoong tao na nagsasabi ng mga mali mo, sya na nakakakita ng flaws mo pero sa kabila ng lahat di ka pa rin nya iniiwan. Kalimutan nyo na ang nagdaang unos sa buhay nyo, life is too short to argue with petty things, move on. Ngayon. Wala nang panahon. Wag mong aksayahin ang bawat araw na masama ang loob mo. Sayang lang ang oras.

Sa iyong buhay, ilang pagkakataon na ang nasayang mo sa kakahintay ng pagkakataon na nakalagpas na pala o yun pala e di naman talaga dadating? Words left unsaid, things left undone, feelings left undisclosed.

Sa lahat ng pagkakataong nasayang, wala namang magandang naidulot ito sayo kundi puro agam agam lang, puro what if’s, puro multo ng nakaraan, pagsisisi. Na kung ginawa mo lang sana at di ka na nagpatumpik tumpik pa disin sana ay nagbunga. Di man ayon sa iyong plano o gusto at least alam mong may ginawa ka para subukang matupad ito.

Ngunit ikaw, ikaw na may kakayanan para mabago ang iyong buhay ngayon ano pang pinagpapatumpik tumpik mo dyan? tama na ang pagpapacute. Tama na ang pasakalye. Tama na ang paramdam. Wag kang umasta na friendly ka lang, huwag kang umasal na parang wala lang. Obvious na. Dumiretso ka, tumbukin mo na, wala nang oras para magpaligoy ligoy. Sayang ang oras. Ikaw din, maunahan ka pa ng iba, sino ang magiging kawawa?

Simple lang parekoy, wag mo nang ipagpabukas pa ang kaya mong gawin ngayon.

Pero hindi ko naman minamasama ang “a time for later”. Angkop ito at sumasaludo ako sa mga pusong walang sawa sa pagtibok at paghihintay sa pagbabalik ng isang pag-ibig kasabay ang pag-asang di mamatay-matay. Sa pag-asang magkakasama din sila sa bandang huli, sa kabila ng lahat ng hirap at pain. Kung ikaw ito, alam kong alam mo na dadating din ang panahon para sa inyong dalawa.

A time for us, later. Para sa dalawang puso na nagsumpaan. Sa dalawang kaluluwang walang laya sa kasalukuyan. Sa pag-ibig na pinaghihiwalay ng milya-milyang distansya. Sa mga pusong umaasa na sa bandang huli din ay magiging sila, sana…


Sensya na po.. isang walang kabuluhang post. Pasensya na kung magulo.

9.5.10

sa iyong mga kamay

French – Mere; German – Mutter; Hindi – Maji; Urdu – Ammee; English - Mom, Mummy, Mother; Italian – Madre; Portuguese – Mãe; Albanian – Mëmë, Nënë, Burim, Kyemurgeshë; Belarusan – Matka; Cebuano – Inahan, Nanay; Serbian – Majka; Czech – Abatyse; Dutch – Moeder, Moer; Estonian – Ema; Frisian - Emo, Emä, Kantaäiti, Äiti; Greek – Màna; Hawaiian – Makuahine; Hungarian - Anya, Fu; Ilongo – Iloy, Nanay, Nay; Indonesian - Induk, Ibu, Biang, Nyokap..

Ibat iba man ang tawag natin sa kanila, pero iisa ang sinisimbolo nila sa ating pamilya --- Kalinga, aruga, pagmamahal at pagaasikaso. Sila ang walang sawang gumigising ng maaga upang ihanda at asikasuhin ang ating mga pangaraw araw na pangangailangan. Mula sa hapag kainan hanggang sa mga damit na ating isusuot, sila ang nagpapakabala para sa atin. Sila ang madalas nating sumbungan at ang kaninlang pangalan ang ating unang nasasambit sa tuwing tayoy umiiyak, nasasaktan o kaya ay natatakot. Sila ang ating INA.

Ang post na ito ay pagtalakay patungkol sa mga butihing ina, pero ang aking pagbati para sa king sariling ina ay hahalungkatin ko na lang muna dito.

Sa araw na ito, Gusto kong bigyan ng pansin at pagkilala ang walang kapantay na pagmamahal ng mga single moms. Hindi naman kaila sa atin na sa panahon ngayon marami ang nasa ganitong estado, unti unti natatanggap na sila ng masyadong mapanuring mata at de-kahon na kaisipan ng lipunang ating ginagalawan.

Dalawa sa mga kaibigan ko ay single moms.

Yung isa, matapos maanakan ng hapon at mapangakuan ng magandang kinabukasan e ayun at kumakayod na mag-isa sa buhay para lang may maipantustos sa gastusin nilang mag-ina. E Kasi ba naman yung sakang na yun, madalang pa sa patak ng ulan sa panahon ng el nino kung magpadala ng sustento, mahirap asahan. So ayun, sa ngayon magkalayo silang mag-ina dahil sa manila work si friend at malaking gastos at isipin kung isasama pa nya doon ang baby nya, sakripisyo na lang na mag-uwian sya sa province every weekend para lang magkasama silang dalawa. Madalas syang umangal dahil mahirap naman talaga ang buhay, mahal ang bilihin, at napakahirap din daw na solo katawan sya na nagtataguyod ng ikabubuhay nilang mag-ina. Ang kanyang pinakamalaking ipinag-aalala kung ngayon pa lang nahihirapan na sya, pano pa daw nya pag-aaralin ang kanyang anak? Paano nya pagkakasyahin ang kakarampot na kinikita nya para sa kanilang dalawa?

Ang isa ko pang kaibigan, sinunod ang puso, nabaliw sa pag-ibig. Nadarang sa libog, pumasok sa maling relasyon at nagbunga. Ngayon ngayon pa lang siya medyo nakakabawi at naguumpisa ng panibagong buhay. Di nya kelangan mamalimos, magtungayaw at umasa na panagutan ng ama ng bata ang kanilang anak. Di nya kelangang sumakit ang ulo sa kakaisip ng panggatas ng baby, kasi may kaya naman ang kanilang pamilya. Kayang kaya siyang suportahan ng kanyang mga magulang sa pagpapalaki ng kanyang anak. Nung minsan tanungin ko sya, ano ang plans nya sa buhay? Walang malinaw na sagot. Wala pang patutunguhan, pero sigurado sya, ayaw nya raw habambuhay dumepende sa sarling pamilya nya at alam nya kelangan nya rin magsikap ng todo para sa kanya at sa kanyang anak.

Dalawang magkaibang sitwasyon pero may isang common denominator. Pareho silang INA.

Sa likod ng kanilang malambot na puso, sa likod ng walang patid na pagluha at pagaalinlangan, nasasalamin ko pa rin sa kanilang mga mata ang matibay na pagkatao. Iisa ang tanging gusto nila, una sa lahat at bago ang sariling kapakanan, ang sa anak na muna nila.

Tinanong ko sila kung may balak pa ba sila na maghanap ng mapapangasawa. Simple lang ang sagot nila. “Kung tanggap ako at mamahalin kami ng anak ko, bakit hindi?”

E pano kung walang dumating? Ayun, pilit inihahanda ang kanilang sarili sa hamon na itaguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Nang walang halong pagaalinlangan.

Para sa akin, yun ang isang pagpapatunay ng tunay na kadakilaan at malaking katapangan ng mga single moms, ang mag-isang pagharap sa hamon ng buhay at hanggang sa pagpili ng makakasama sa buhay, kapakanan pa rin ng sariling anak ang nasa isip nila. Di bale na ang sarili nilang kaligayahan, basta mailagay lang sa ayos ang buhay ng anak nila.

Kung ikaw ay isang produkto ng pagpapalaki ng isang single mom, maaaring di naging kasingkulay ng iba ang kabataan mo dahil lumaki kang walang ama na gagabay sa iyo. Maaaring walang ama na nagturo sayo para gumawa ng saranggola at magpalipad nito, maglaro ng trumpo, magbasketbol, magbisikleta, magskateboard, baseball, paano ang tamang pagdepensa sa sarili at ang magpakalalaki. Maaring may ilang panunuya ang inabot mo mula sa iyong mga kalaro dahil lang lumaki kang walang kinikilalang ama. Maaring may punto sa iyong buhay noon na nagrebelde ka at sinisi ang iyong ina, na kung di dahil sa kanya ay buo sana ang inyong pamilya. Ngunit batid ko, hindi naging kulang ang iyong pagkatao dahil lang sa lumaki kang walang ama. Alam ko, kung ano ka ngayon, ay dahil sa iyong butihing ina na hindi nagpabaya sa paghubog sayo.

Pakaisipin mong mabuti ang lahat ng paghihirap, pagtitiis at sakripisyo ng iyong butihing ina para marating mo ang katayuan mo sa buhay ngayon. I’m sure, hindi naging madali ang lahat para sa kanya. Hindi ganun kasimple ang mag-alala at umikot ang tumbong sa paghahanap ng ilalagay sa hapag para may maipanlaman sa nagugutom mong tiyan. Hindi madali ang mabahala na baka hindi ka nya mabigyan ng maayos na edukasyon sa iyong paglaki, edukasyon na tanging maipapapamana nya sayo para maging handa ka sa iyong buhay. Sa tuwing nagkakasakit ka mas pinili nyang mag-absent sa trabaho para personal kang maalagaan at ayaw ka nyang ipagkatiwala sa iba, kahit na nga sobrang importante ng kikitain nya sa isang araw, hindi ka nya ipinagpalit sa pera. Naisip mo ba, pano kung ang iyong ina ang nagkakasakit noon? sino ang nag-aaruga at nag-aasikaso sa kanya? bawal syang magksakit hindi ba? At wala kang narinig na daing mula sa kanya. Kasi ayaw nyang mag-alala ka pa.

Sa tuwing may kailangang ikabit o kumpunihin sa inyong bahay, siya ang tanging inaasahan mo noon, dahil walang iba kang matatawag bukod sa kanya. Sa kanyang mga kalyado at pasmadong mga kamay mo naramdaman ang pagkalinga at pagmamahal.

Mahirap ilarawan ang naging pagtitiis ng iyong ina na namuhay mag-isa para mabigyan ka ng maayos na buhay ngayon. Wala syang ibang karamay, tanging ang mga ngiti, halik at yakap mo na lang ang kanyang pakunswelo sa buhay para maibsan ang kahungkagan ng tumanda na walang kaagapay. Para sa kanya, ikaw lang ay sapat na.
At kung may mga pagkakataon man na may nagpupumilit na kumatok sa kanyang puso, una sa lahat ay ikaw pa rin ang naiisip nya, kapakanan mo pa rin muna. Di na nya hinangad na maghanap pa ng makakasama sa buhay. Hindi bale na ang kanyang pansariling kaligayahan, sapagkat para sa kanya mas importante ang kaligayahan mo. Di bale nang wala syang kayakap sa malalamig na gabi, di bale nang wala syang karamay sa pagtanda, andyan ka naman. At sa kanyang pagtanda, sana naman ay wag mo syang makalimutan, dahil ikaw na lang din ang kanyang inaasahan na mag-aaruga sa kanya.

Para sa lahat ng single moms dyan, isang malaking malaking hug at ang aking pagpupugay sa inyong lahat, saludo po ako sa inyo!

Sa lahat ng ina out there, Happy Mother’s day po!


"The future destiny of a child is always the work of the mother."
- Napoleon Bonaparte -



29.4.10

paradox of our lives

"The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider Freeways , but narrower viewpoints. We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.


We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.


We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space.


We've done larger things, but not better things. We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less.


We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less. These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes.


These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom.


A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete (ignore)..


Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.

Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.Remember, to say, ' I love you ' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.

Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind.

AND ALWAYS REMEMBER:

Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away."

--- GEORGE CARLIN



18.4.10

coke lang ang sakto!


mood status: plain

ang buong maghapon ko: merong sobra, merong kulang at sa aking pag-aanalisa gamit ang quadratic equation, konting probability at kayabangan – sakto lang!

pero kung ating lilimiin, wala naman sigurong bagay na “sakto lang”. ano ba ang panuntunan ng sobra at kulang? san ba yun nakabatay?

ang isang tao, gaya ko, kahit gaano karami ang isang bagay na hawak nya ngayon, darating ang mamaya o ang bukas na makakaisip pa rin ng dahilan para madagdagan kung ano pa man ang meron sya ngayon. kung gayon, walang katapusan, laging may dagdag na pangangailangan, laging may kulang. kahit gaano karami na ang hawak, kulang parin, pilit gagawa ng paraan o maghahanap ng ikapupuno kahit labis na sa sariling kapasidad.

paano mo malalaman na isa ka sa kanila?

simple lang, paano ka ba magdasal sa nasa itaas? pansinin mo, bilangin ang bagay na hinihingi mo at ikumpara sa mga ipinagpapasalamat? kung inaakala mo na konti lang ang mga bagay na kelangan ipagpasalamat sa iyong buhay, o sige sa isang araw, isipin mong muli maaaring nagkakamali ka lang.

sir, yung sakto lang po!

oo, siguro nga kelangan kong medyo magdahan dahan. humingi ng tipong tama lang talaga para sa kin, yung kaya kong hawakan.

less expectations, less complications, less trouble, less worries. sakto lang.

17.3.10

body shot (2)

nagulat kaming tatlo nang bumalik sya mula sa pinto na may kasama, “mga brod si lalaine.. naaalala nyo pa ba sya?”


di ko eksaktong maalala kung san ko nakita o nakasama dati ang pamilyar na mukhang to.. di na ako nakapagtanong, kumaway lang ako at ngumiti sa kanya para bumati.


umupo sya sa gitna namin ni mike. nung una ay medyo nahihiya pa siguro sya kaya si mike lang ang kinakausap. o kaya naman ay paminsan minsang nakikitawa rin sa kulitan ng aming grupo. ngumingiti ngiti rin sya minsan sa akin, labas ang pantay pantay nyang ngipin na nagpadagdag sa karisma ng kanyang sweet at inosenteng ngiti. yup, maganda sya. maamo ang muka. makinis. artistahin. malakas ang dating.


hanggang sa di nagtagal, sa dami na rin siguro ng shot nya ay naging maingay na din si lalaine. bumubungisngis na at nakikisabay sa sound trip ng grupo. merong pagkakataong, kumekembot at sumasayaw sa saliw ng mahaharot o mabibilis na tugtog. di ko maiwasang di mapapatingin sa mga kasama ko sa kwartong yun sa tuwing sumasayaw si lalaine na parang walang pakialam, at tulad ko tahimik din lang silang nanood habang nilalagok ang tequila na nagpapainit sa aming mga katawan. medyo nakahalata yata si lalaine na tahimik lang kami at pinapanood lang sya habang sumasayaw.


sa halip na maalangan, nakuha pa nyang magtanong ng, “what’s wrong with you guys? ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng sumasayaw??” nang may halong ngiti na akala mo ay nang-aakit.


lakas tama na ako.. lumipat na ako ng pwesto, dun sa sofa na malapit sa pinagsasayawan nya.


“lika, sayaw tayo?” sabay abot ni lalaine sa aking kamay, napansin nya siguro na nalalasing na ako.


tumayo ako, pero di ko na talagang kaya pang sumayaw, mahina na din ang balanse ko. paikot ikot lang sya sa kin habang sumasayaw nang maharot. humawahak sya sa aking mga kamay, braso, sa aking leeg, sa likod, sumasampay sa balikat, pumupulpot sa aking bewang.. ahhhh!! para na akong tuod, nawawala ang aking kalasingan, napapalitan ng kakaibang init ang aking pakiramdam.


“shot pa tayo?”, sabay abot sa kin ng shot glass… sa bawat pagikot ng kanyang katawan at paghapit nya sa aking balakang papalapit sa kanya, di na ako makaayaw sa bawat shot na iniaabot nya.


“body shot? you like?” mapanghamong tanong nya sa akin. dun ako natameme. tiningnan ko sya sa mata, di ko talaga alam ang isasagot ko. napatingin ako sa mga kasama ko, ngingiti-ngiti lang sila sa akin, halatang mga nag-aabang ng kasunod na mangyayari.


“saan ba?” sabi ko, parang tanga lang.


“kaw! saan mo ba gusto? kahit saan!”



awwww! shet na malagkit! mukhang mapapasubo talaga ako. hindi sa ayaw ko, actually di ko alam kung bakit nagdadalawang isip pa ako. palay na ang lumalapit sa manok ika nga. at di lang basta bastang palay, primera klase! export quality!


nahalata nya siguro na nag-aalangan pa ako. kinuha nya ung botelya ng salt, hinawi sa kabila ang kanyang lagpas balikat na buhok at nagsprinkle sa may balikat nya..


“game!” sabay abot ulit sa akin ng shot glass na may tequila.. nilingon ko ulit si mike, at ang walangya nagthumbs up pa! malamang set-up to sabi ko sa sarili ko.. isang masayang set-up! kinailangan ko pang yumuko na konti para maabot ang kanyang balikat. may tama na ako pero di nakalagpas sa king pansin ang parang balahibong pusa na sa may batok nya pababa sa makinis at maputi nyang likod.


nasundan pa ang body shots na yun, sa magkabilang balikat, sa batok, sa dibdib, sa may tyan, sa pisngi nya malapit sa labi… pero di pa dun natigil yun… nataranta na akong tuluyan nung sabihin nyang, “nakakarami ka na ah?? kanina ka pa.. ako naman!”


awwww! shet na mas malagkit pa sa mas malagkit! di ka lang game lalaine! certified flirt ka pa!

“san?” kinakabahan ako… “hmmmmm… kaw? san ba pwede?” paglalambing ni lalaine. that time, halos manginig na ang laman ko sa pagpipigil. “kaw na ang bahala”


at sus! kumagat pa muna sa labi nya at itsurang nag-iisip nga. pilya talaga… isa isa nyang unbuttoned ang polo na suot ko.. nilabas ang dibdib ko at kinurot nya to nang may halong gigil. masakit. pero masarap. kinuha ang salt, nilagyan ako sa may dibdib malapit sa nipple at ngumiti..



“game ka na?” sabay ngiti sa akin. marahang tango lang ang naiganti ko. ang init ng hininga nya! ramdam na ramdam ko sa may dibdib ko, nangingibabaw sa init ng tequila at lamig ng aircon sa kwarto. di ko naintidihan ang ginawa nyang pagdila o pagsipsip sa asin, basta ramdam kong sumayad ang labi nya sa balat ko sa dibdib. parang sine, parang nagslow-mo ang lahat. ramdam na ramdam ko ang inggit nung tatlong gunggong sa dinaranas ko noon. kung tatanungin nya ako ng “want more?”, madaming oo ang sunod sunod kong isasagot syempre!


at di ako nabigo! nasundan pa ang paglalandian namin sa harap nung tatlong kumag na halos lumuwa ang mga mata. biglang bumilis ang mga pangyayari nung ilagay ko sa lower lip nya ung salt at dun ko ito sinipsip. pero naanticipate nya yun, kinabig na nya ako at kiniss ng torrid. nakalimutan ko na ang lemon at tequila sa tigkabilang kamay ko. sigaw at palakpakan ng tatlong gunggong kasabay ang maingay na tugtog ang maririnig sa buong kwarto. wala na kaming pakialam. may tama na kami pareho. tamang lasing. tamang libog.


hinatak na nya ako papasok sa banyo. nilock ang pinto. titigan muna, pakiramdaman, palakasan ng kabog ng dibdib. ramdam ko na ang init ng kanyang katawan habang nakadikit sya sa akin. andun pa rin ang ngiti nyang sadyang nang-aakit. pumikit sya at ibinuka ng konti ang labi, parang nag-aanyaya. tumingkayad at idiniin ang katawan sa akin. di na din talaga ako nakapagpigil. pinatay ko ang ilaw. matagal din kaming naglaban sa loob ng banyo. wala na kaming pakialam sa tatlong unggoy na malamang e nakikinig at nakikiramdam sa labas. malalalim na hininga at mga malalambing na daing na lang ng isa't isa ang aming naririnig.


kapwa kami pawisan at naghahabol ng hininga nang mailabas ang init ng aming mga katawan. pagod, pero kapwa may ngiti sa mga labi. hinalikan pa ulit nya ako nang matagal sa labi habang nakapulupot ang mga braso sa batok ko at nagsabing “shucks! that was good..” ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.


hinatak nya pa ako sa shower para sumabay sa kanya, doon di pa rin kami maawat sa pagkasabik. tuloy pa rin ang aming romansahan nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo..



“brod, brod… saglit..” si mike..


“lalaine!! lalaine lumabas ka dyan!!” boses ng isang matandang babae.


“hala! si mama yun! patay tayo!” takot na sabi sa akin ni lalaine.nagmamadali kaming nagbihis. di ko alam ang aking gagawin.


paglabas namin ng banyo, tahimik ang kwarto, mahina na ang audio, tameme ang tatlo. andun ang mama nya, kasama ang kuya daw ni lalaine. halatang galit at gustong gustong manapak, pero nagtitimpi kasi malaki pa ang katawan ko kaysa sa kanya at marami kami, baka siya pa ang magulpi.


tahimik lang ako. nagdadakdak ang mama nya, iyak nang iyak si lalaine sa iskandalong ginagawa ng mama nya. nahihiya siguro sa ginawa nya and at the same time e nahihiya sa pagtatalak ng mama nya.


“dinodroga nyo ang anak ko ano??! sumagot kayo!”


“ tatawag ako ng pulis! ipakukulong ko kayong mga hayop kayo!”


“lalo ka na!!” habang ang sama ng tingin sa grupo, lalo na sa akin..


pilit inawat ni lalaine ang mama at kuya nya, hinatak na palabas ng kwarto habang walang tigil sa paghagulhol. naiwan kaming apat. tameme.


“patay tayo mga brod, baka tuluyan tayo nun. maraming koneksyon ung mama ni lalaine. tsk!” “lalo ka na, ingat ka brod.. kilala ko utol nun.. gago yun e!” si mike, seryoso habang nakatingin sa akin, iiling-iling lang ako.


“putsa… basag ang trip! mukhang mapapasubo ata ako dito…” di ako makapaniwala sa mga pangyayari.


ilang gabi akong di pinatulog nung insidenteng yun. ilang beses akong di napakali tuwing umuuwi akong mag-isa sa gabi. baka may nag aabang sa akin sa dulo ng madilim na kalsadang dinadaanan ko.


nagdesisyon akong lumayo muna. nagdesisyon akong magpalamig.


mahirap na…

2.3.10

body shot

masaya kaming nag-iinuman. apat lang kami sa grupo. as usual topics, places to go, plans in the future, chickas, gfs, ex-gfs, yabangan, kantyawan… tawanan na kami nang tawanan!

maingay na talaga kami, palibhasa nga kasi e mga nakakainom na.. napatingin ako sa sahig, nakakalat na ang isang bote ng el cuervo.. “nakaubos na pala kami ng isa?? mukhang malakas yata akong uminom ngayon?” sabi ko sa sarili ko.

tuloy lang ang tagay, palakas nang palakas ang tawanan at alaskahan,sabayan pa nang malakas naming kantahan sa aming soundtrip. biglang tumugtog ang makasayasayang careless whisper at malamang sabay sabay naming naalala ang maalamat na choreography ng mga tao sa likod ng video scandal na to.. di namin naiwasang maghalakhakan! napaimik tuloy ako.. “sarap sana ng tequila kung may chicks tayong kajamming…”. tawanan ulit sila!

maya maya pa ay tumayo mula sa umpukan si mike (di tunay na pangalan). dinukot ang kanyang cellphone. nagtxt. ibinulsa ulit. naghintay ata ng reply kasi mayat mayang dinudukot at tinitingnan ang kanyang celphone. nainip na ata, tumatawag na siya sa celphone nung muli kong nilingon. di ko masyadong marinig ang pinaguusapan nila, di ko alam kung bumubulong lang talaga sya, sobrang ingay na ng aming kwarto o nabibingi na ako sa tama ng iniinom namin.

maya maya pa ay bumalik sya sa umpukan namin, nakatingin lang sa aming tatlo, ngising aso… sabi ko “mukhang may nabola ka na naman ah??!” ngisi lang ang isinagot nya sa akin. kumuha ng asin, dinampot ang kanyang baso at sumigaw ng “kampay!!!” sabay inom. di man lang kami hinintay makapagtaas ng aming mga sari-sariling baso... dinampot at sinipsip ang kalamansi habang nakatingin sakin at nakangising itinataas baba ang kanyang dalawang kilay… sabi ko, “wasted na to o….”

makalipas ang ilang saglit, may kumatok sa pinto. tumayo si mike, mas lumapad ang ngising aso nya. nagulat kaming tatlo nang bumalik sya mula sa pinto na may kasama,

“mga brod si lalaine.. naaalala nyo pa ba sya?”


may karugtong...

21.2.10

what if....

minsan may mga tao na naging importanteng bahagi ng buhay mo na antagal mong pilit hinahanap sa mga social networks pero di mo matagpuan. may mga pagkakataon na pilit mo ginalugad yung profile ng mga taong konektado sa kanya pero wala sya dun… then one day, when you least expected it, bigla ka na lang kakabugin ng isang friend request galing sa kanya… and eventually, you’ll find out na naghahanapan lang pala kayo after all those years..

there was this girl na naging very significant part ng buhay ko. “it” started as early as my 5th grade, then naulit ng 2nd year high school, then during college days -- where “ it almost happened”. kaso nga, hindi nangyari. “ almost” kasi nga di kami matuloy-tuloy..


one big dilemma, best bud ko ang pamangkin nya na super close sa kanya.

hindi ko sinubukang mag-take advantage. at kahit kelan, hindi ko naovercome yung hiya at respeto ko sa buddy ko. hindi ko nagawang isugal ang malalim naming samahan, kapalit ng chance na sobrang posible na yung “almost”.

sadly, this girl and i parted our ways and lived our own lives na walang naganap na confrontation or aminan. all we know was, there was something special between us na hindi namin nasabi sa isa’t isa.

after so many years, we accidentally bumped to each other. we agreed to meet again some time. but, naging casual na lang ang pagkikitang iyon. pakiramdaman. awkward moments. alam kong may hinihintay syang tanong mula sa akin. pero di ko pa rin nagawa. as usual, natyope na naman kasi ako.

anyway, kakaiba ang araw ko ngayon. strange feeling. parang adrenaline rush ng bungee jumping or yung overflowing happiness habang sumisigaw ka sa peak ng isang bundok after ng 10 hours climb!

nice… nice!

15.2.10

saging lang ang may puso!

natapos na din ang araw na pinakaabangan ng marami sa atin. sa paghupa ng "putukan", hindi naman lahat ng tao ay naging masaya sa nagdaang araw. kaya nga ang post kong ito ay alay para sa lahat ng kagaya ko na hindi nananabik sa pagdating ng araw ng mga puso.

simple lang, wala naman sigurong kelangang ipagdiwang (at hindi ko din alam kung papaano gagawin) kung kayo ay malayo din sa mga mahal mo sa buhay. kahit gaano kahaba o kalagkit ang mensaheng ipinadala nyo sa isa’t isa through txt, tawag, or chat, di pa rin nun mapupunan yung kahungkagan ng mga puso nyo na umaasa na sana kahit sandali lang ay magkasama kayo sa ganitong mga espesyal na pagkakataon.

hindi ko makita ang sense ng pagbabatian ng dalawang indibidwal ng “maligayang" araw ng mga puso kung sa totoo naman ay hindi naman talaga kayo masaya dahil magkalayo kayo at wala kayong magawa kundi tanggapin ang realidad na ito. para sa mga hungkag at mabigat ang pakiramdam at pilit na nililibang ang sarili sa ibang bagay sa mga ganitong okasyon, nakikiisa ako sa inyo.

para sa mga kagaya mo na nagmamahal at patuloy na umaasa sa mga taong muka namang walang pakiramdam at walang konsiderasyon sa nararamdaman mo (wag ka nang lumingon lingon pa dyan, ikaw ito! damay ka na rin sa post na to! hahaha!). naturingan pa naman na bf mo pero walang kaeffort effort na batiin ka man lang sa araw ng mga magsing-irog. sabi mo nga, “nakalimutan?? isang malaking kalokohan!!” ipakilala mo nga sa akin yan at nang mapilipit ko ang leeg para sa yo! isa lang ang sagot dyan, kung hindi ka na masaya e di iwanan mo na.. puro sama lang naman ng loob ang ibinibigay sayo e.. di na yan magbabago!

para sa mga singol pa rin hanggang ngayon…

-hindi na kasalanan ng mundo kung bakit wala kang kasama sa mga pagkakataong kagaya neto, masyado ka kasing mapili, masyado kang pihikan, masyado ka kung makapanlait, e hindi ka naman talaga kagandahan! hehehe! o, sino ngayon ang mukang kawawa? e di ba ikaw din?

-ang laging katwiran mo kasi e ang pag-ibig kusang dumadating.. baka naman nalagpasan ka na ng pagkakataon o kaya naman ay sa malayo ka pa nakatingin e yun pala andyan lang sa tabi tabi yung para sayo di mo lang napapansin..

-wag mong masyadong pangarapin ang isang tao. tama na siguro ang paghihintay mo, baka kasi yung hinihintay mo e may iba palang hinihintay. ano nga ba talaga ang hinhintay mo? ang mauntog sya at mapalingon sayo? aw c’mon!

-kung papatay patay ka, nasasayo naman talaga yan e.. minsan kelangan mong gumawa ng sariling hakbang, lunukin ang pride at kapalan ang muka para magkatotoo ang mga gusto mo sa buhay.. tama na ang pacute at kakahintay ng tamang pagkakataon, dumiskarte ka na ng swabe bago ka pa maubusan ng oras o maunahan ng iba..

-para sa mga talaga namang nagmamaganda pero walang gustong sumubok, “pasensya na lang kung talagang nakaka-intimidate ang mga kagaya nyo kaya hanggang ngayon ay solo pa rin kayo. ganun talaga! kasalanan nyo yan, masyado kasi kayong magaganda!” para sa mga nag-abang ngunit walang dumating.. umasa ng todo ngunit hindi naman inaya, nag-effort ng todo-todo pero di man lang nakaiskor… better luck next time!


tapos na nga ang araw ng mga puso. ngayon naman ang araw ng mga pusong sugatan. isang araw lang ang valentine’s day, lumilipas din kagaya ng nagdaang mga ordinaryong araw sa buhay mo.. wag kang malungkot -- nakakabaog!

don’t dwell on the past, cheer up and move on!



pektyur from flikr.com

19.12.09

all i want for xmas is??


updates:

- ilang araw nang pokus ang aking atensyon sa preparasyon ng paghand-over ng aking trabaho.. kelangan plantsado na muna ang lahat bago ako umalis.

- oo, tuloy na tuloy na ang pag-uwi ko ng pinas!! ilang araw na lang..

- nakaset na ang lahat, dumating na lahat ang mga boxes ko sa pinas nung isang araw pa.. katawang lupa ko na lang talaga ang kulang kasi pati isip ko e andun na rin! hehehe!

- malapit nang mapuno ang itinerary ko (na hanggang ngayon ay magulo pa rin) para na rin itong ngipin ni melai, na sabi nga nya e one-seat-apart! hehehe! eto, pilit pinagbabali-baligtad ang schedules, umaasang masisiksik pa lalo..

hayyyy… bakasyon ko na, pero curacho pa rin ata ako pagdating sa pinas?



---------------------


nga pala, tinanong ako ng nanay ko ano daw ba ang gusto kong matanggap na regalo ngayong pasko? mahirap na daw kasi akong bilhan ngayon kumpara noong bata pa ako.. ngayon lang ulit yun nagtanong, bigla tuloy akong kinabahan, baka kasi may kapalit yung regalo na ibibigay nya sa akin… hehehe!


nahirapan naman akong sumagot sa tanong nya! ano pa nga ba ang gusto ko?


naisip ko nga, ano pa bang mahihiling ko e “boom-boom-pow-boys-boohooss” na ang biyayang binigay ni papa jetut sa kin for this year.. and at this early, may present na ulit xa sa akin for next year! next time ko na lang kwento yun… (thanks so much papa jetut! kahit na nga seasonal na lang kung magparamdam ako sayo)


so much blessed ako this whole year, especially ng mga taong hindi nakalimot sa akin kahit na andito ako sa malayo. nadagdagan pa ng mga bago at espesyal na kaibigan mula dito sa blogosperyo. salamat sa inyo (kayo na hindi ko na kailangang pangalanan pa isa-isa) sa pagpatay nyo ng homesickness ko, sa pagbibigay ng panandaliang aliw, sa pagbibigay ng oras at atensyon at sa pagpapahalaga.. tenchu!


sa totoo lang, wala pa akong maisagot ngayon kung ano ba talaga ang gift na gusto kong matanggap, good health at peace of mind lang naman lagi ang gusto ko.. other than that, saka ko na lang siguro iisipin yun! sa ngayon, pinagkakakabalahan ko munang isipin kung ano ba ang makakapagpasaya sa mga taong nagpapasaya sa akin..


as of now, nagpapaka feeling contented, grateful and thankful na lang muna ako.. (insert my angelic halo here…) hehehe!



*pic from flickr*





5.12.09

dose...

"if i live for a million years i would be right there to catch your tears.."

Naaliw naman ako sa message mo na super unexpected ko. Sa totoo, hindi ko ino-open yung email na yun kaya post dated na nung mabasa ko ang email mo. At tama ang expectations mo, nagulat talaga ako. Hindi ko lubos maisip na mas inuna mo pang pagaksyahan ng malaginto mong oras ang pagsusulat ng mensahe mo para sa akin kaysa matulog. Nakakabagbag damdamin at nakakataba ng puso. Salamat.

at kung akala mo e palalampasin ko ang effort mo na walang response, well mag isip isip ka muna dahil nagkakamali ka.. Sasagutin ko lang ang mga sinabi mo punto por punto.. di ko lam kung natatandaan mo pa ang mga sinabi mo.. kung hindi, sori ka na lang…

Ang mahal naman!! Wala bang tawad? Hehehe!

Oist! Dudero talaga ako, kaya ganun.. wag ka nang magtaka, alam mo naman ang reasons kung bakit di ba?

At wag ka na rin magtaka kung bakit uto uto ako.. di ko din kayang ipaliwanag yun.. hehehehe! Parehas lang naman tayong madaling maawa, at dakilang tissue paper, sponge bob nga di ba? Oo, bad trip na rin tlaga minsan, pero di naman natin maiiwasan yun.. alangan naman umiiyak na sila palapit say o e bigla kang tumakbong papalayo dib a?? kaya yun, tipong makikinig pa rin kahit nakukulili na ang mga tenga natin sa paulit ulit nilang kwento at hinagpis sa buhay.. kahit nanggigigil na tayo at gusto natin pilipitin ang leeg nila.. at sabihing, “hello??!!! yan lang nagkakaganyan ka na?? Mas mabigat kaya ang problema ko sayo no???”

Astig naman ng meaning ng name mo.. alone, reserve.. pero di naman appropriate sa personality mo kasi well surrounded ka ng circle of friends mo.

Yung hirit mo sa akin na suhol, noon alam ko ang gusto mo pero bakit biglang nag-iba?? Hindi ko na tuloy magets..

Hindi naman perception ko lang na mayaman at matalino ka.. may basehan yun xempre.. teka, bakit di mo ata nabanggit na sinabi kong maganda at mabait ka? Di ba sinabihan din kita nun??

Wag kang mag-alala, nasa yo na ngayon ang pagkakataon para matupad ang matagal mo nang inaasam asam.. kaw naman, di ba?

Salamat din sa lahat.. gaya ng sabi mo, di pa ito goodbye, gusto ko din lang mag-thank you sa lahat ng oras na inaliw mo ako.. sa lahat ng oras na pinagtyagaan mo ang kakornihan, kababawan at pang-aasar ko sayo.. sino naman nagsabi sayo na di ka ok kausap? Ok nga tayo di ba? Puro may sense usapan natin di ba? hehehe!

Yaan mo, dahil mabuting nilalang ka, for sure gagantimpalaan ka nung nasa itaas.. nga pala, salamat sa paalala. Kelangan ko yan.. minsan kasi akala ko masyado na sya madami kausap kaya di na nya naririnig yung mga bulong ko pag madilim na ang aking kwarto.. salamat, salamat…

Di naman po ako nagpapauto sa sinasabi nila. Nabanggit ko na dati, pampabalubag loob lang yung pagtawag na bagong bayani sa akin.. di ako naniniwala dun..

sana nga sooner, di ko na kelangan umalis.. magtitinda na lang ako ng mga pirated triple x dvds at pilikmata ng kambing sa carriedo… malakas siguro kumita yun no? hehehe!

“kilala ako ng mga kaibigan ko sa paraang hindi mo ako kilala.. kialal mo ko sa paraang hindi nila ako kilala…” Yup, may tama ka jan. parehas tayo. Meron kang mga alam sa akin, na hindi ko pa nasabi kahit minsan sa mga matagal ko nang kaibigan. Same here, salamat sa pagkilala at pagtyatyaga sa akin… kung matter of choiceless-ness man yun or whatever.. thank you pa rin.

Ok na sana yung hirit mong sana magkrus yung landas natin isang araw, pero napaisip ako bigla na dahil gusto mo lang pala akong batukan… wehehe! Wag kang mag-alala, minsan habang naglalakad ka sa may sangandaan e may kakalabit sayo, ako yun… “ate, pangrugby lang ho…”

Ikaw pa lang ang nakilala kong nagpatugtog ng labindalawang beses ng isang kanta… at binilang kung ilang beses ito nagpaulit ulit sa pandinig… adik ka!

Ingat palagi! Iwas sa tukso at panganib.. laging magbehave, our savior is watching…

(o di ba? parang parehas lang ng mga sinabi mo ang mga pinagsasabi ko??) wehehehe!

8.11.09

sponge bob

Sadista ka kasi! Hindi sa sarili mo, pero sadista ka sa kapwa mo. Ipinanganak kang manhid at sadyang walang pakiramdam sa nararamdaman at sinasabi sayo ng mga taong nasa paligid mo. Nasanay ka na maraming taong nagpapahalaga sa yo.. Tuloy, di mo halos alam ang salitang konsiderasyon at pangunawa. Puro sarili mo na lang iniisip mo.

Pero tingin ko naman, di ka naman ganun kamanhid para di mo mapansin ang presensya ko.. Ilang birthday mo na ba ang nakalagpas sa akin? Wala. Ilang txt mo ba ang hindi ko nireplyan? Wala din. Ultimo smileys mo at wehehe, nagrereply pa rin ako. Kelan ba kita nahindian sa bawat paglalambing mo sa akin? Wala akong matandaan. Kahit nga pamasahe na lang matitira sa akin, kahit one week allowance ko pa yun, kahit nakalaan yun sa pambili ng regalo sa gf ko, basta nagrequest ka sa kin hindi ako makahindi sayo.

Di naman ako umasa sa kahit ano dati di ba? Para lang akong engot pagdating sayo, konting atensyon mo lang at wala kang kaeffort effort napapasaya mo na ako ng todo, old school. Kulang na nga lang siguro ay maging stalker mo ako…

Pero kahit sobrang gusto kita hindi naman ako nagkalakas ng loob na umamin sa yo, muntik na sana. Kung binigyan ko ng ibang kulay yung nangyari nung gabing iyon, tumambling sana ang ikot ng buhay natin ng 360 degrees. Pero di e.

Kasi nga masaya naman ako naman ako ng ganun ganun lang, at least di tayo kumplikado. Di bale nang magmukha akong uto-uto. Di bale nang invisible ako sa paningin mo pag wala kang kailangan sakin…

Ganun ka naman talaga di ba? Naaalala mo lang ako pag nasasaktan ka, pag kelangan mo ng maiiyakan, pag kelangan mo ng sasalo sa mga tagay mo, pag wala nang aalalay sayo kapag sobrang lasing ka na, pag wala nang magdadala sayo sa kama mo, pag walang hahawi ng buhok mo at hihimas sa likod mo habang akap akap mo yung toilet bowl, pag kelangan mo ng sasandalan sa tuwing natutulog ka sa loob ng jeep. Tutor mo, tagagawa ng term papers mo, instant date pag nag-away kayo ng bf mo.. Oo, dakilang alalay mo ako, tagasuporta mo.

Sadista ka kasi! Ngayon, pati sa sarili mo.. Tapos ngayon, ngayong nasasaktan ka na ng todo todong buhos at nahihirapan sa magulong buhay na pinasok mo, sa akin ka pa rin tatakbo? Hansarap mong patayin sa hug at lunurin sa pagmamahal!!!

Ikaw kasi! Bakit kasi gustong gusto mong laging kumplikado ang buhay mo? Hindi naman kita sinisisi sa desisyon mo pero bakit damay na naman ako? bakit ako na naman ang mamomroblema kung paano natin maaayos ang buhay mo?

Ano mo ba ako? Ano ba ako sayo?

Sabi ko nga makikinig ako, pero di ko ipinangakong aayusin ko ang lahat.

Pero di pa rin kita matitiis gaya ng dati… andito pa rin ako para sa yo. Tagasalo ng hinanakit mo, tagaplantsa ng gusot ng buhay mo, Tsk!

"Kung akin ka lang, sana hindi ka ganyan. Kaw kasi."

Pero alam kong di ko sasabihin sa yo yan.. kasi dalawa lang yan, baka nga maniwala ka o kaya e tawanan mo lang ako at dagukan!

Amfufu!

11.7.09

Boss… bate??

Babala: Bawal sa mga bata. Para lang sa mga gaya kong imoral. Wag mo na lang basahin, maeeskandalo ka lang! walang sisihan…

Sa probinsya namin, nauso noon sa sinehan ang dobleng palabas. (Meaning, kung papasok ka sa sinehan, halos apat na oras kang nakatitig sa wide screen nun. At di lang yun, pwede mo pa itong ulit-ulitin hanggat gusto mo!)

Merong tatlong maliliit na lumang sinehan sa amin. At dahil nga di na makasabay sa nagsulputang mga bagong malalaking sinehan e walang paltos na rated-R movies ang kanilang palabas para lang bumenta at makahatak ng mga ma-L na manonood…

Kasagsagan noon ng mga rated-R movies… di ko na rin maalala ang mga sikat na palabas noon. Pero alam ko na pag nabasa mo ang double-meaning at suggestive na movie titles at nakita ang mga still shots sa labas ng sinehan e mapapatigil ka saglit at maiingganyong pumasok sa sinehan.

Minsan lang akong nakapasok sa isa sa mga sinehang nabanggit ko, at talaga namang nagulat ako at hinding hindi ko yun nakalimutan!

Kulang pala ang kwento ng tropa ko na naglipana daw ang mga bading sa loob ng sinehang yun, dahil bago ka pa lang nangangapa sa madilim at may kakaibang amoy na sinehan na yun para makahanap ng di-malagkit na mauupuan e may tatabi na kaagad na bading sa’yo! Sa barubal na deskripsyon nga ng isang kaibigan, pugad nga daw ng bentahan ng laman ang sinehang iyon!

Pero hindi pa dyan natatapos ang lahat… sa kalagitnaan ng pagkatulala sa makamundo at nakapag-init ng laman na movie e may isang may-edad na babae ang biglang papasok sa eksena… may dalang “good morning” towel at alcohol… at halos malakas na pabulong na… “bate bate bate….. kaw boss, bate??”

Hindi ako sumagot nun, pero talaga namang halos mapabunghalit ako ng tawa nung oras na yun!! Ganun ba talaga kagarapal ang bentahan ng kahalayan dun??

Isip ko naman, antapang din naman ata ng apog ng gagamit ng serbisyo ni manang?? Tingin ko lang, sa kalyado nyang kamay (ikaw ba naman na ilang beses gamitin sa loob ng araw??) e mageenjoy ka pa rin dun?? Para ka na ring humimas ng paa ng aso nun!! Wahahaha!!

Di ko nalaman (at di ko na rin pinagtangkaaang itanong) kung magkano ang bayad sa “handjob service” ni manang…

pero naisip ko lang, meron din kayang nagsasabing.. “manang, dagdagan ko bayad ko sayo, ungol ka naman… “

wahahaha!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails