pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label himutok. Show all posts
Showing posts with label himutok. Show all posts

9.11.10

TAMAAAA!!!

Ikaw na lang ang LAGING TAMA!

Ikaw na ang MADAMING ALAM!

OK FINE!

Ikaw na ang BRIGHT!





Point of Argument: ON BEING RIGHT.


SHE SAID: Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mali ay mali at ang tama ay tama. Hindi lahat ng ikakasaya ng isang tao e ang pagiging tama. Also, Being responsible is not being always right. Being responsible is yung alam mo kung kelan ka gagawa ng tama at alam mo kung kelan ka gagawa ng mali. At hindi ibig sabihin na gumawa ka ng mali e masama ka na o masama yung ginawa mo, nasa sitwasyon yun. As long as kaya mong ibalanse ang lahat ng bagay, kaya mong ipaliwanag at kaya mong ipaglaban ang sarili mong pananaw.

HE SAID:Yun nga kasi ang mali dun, yung alam mo nang mali pero ginawa mo pa rin dahil lang alam mo  na kaya mong ipaliwanag at panindigan after at kasi alam mong maiintidihan ka naman. Pero looking at it, tama pa rin ba yun? The end does not justify the means.

Sino nga ba ang totoong MAY TAMA?

 
 
an_indecent_mind

15.9.10

'coz everyone is a piece of cake

Naranasan mo na bang umasa sa isang bagay? Sa isang tao? Unto something, for it to happen?

Naranasan mo na bang maghintay ng phone call? Ng reply sa text messages mo? Pero at the end e naghintay ka lang pala sa wala at puro frustrations at sama lang ng loob ang napala mo…

Naranasan mo na bang umasam asam na makasama ang isang tao sa isang beautiful relationship? But, at the end e friendship lang pala ang kaya nyang ibigay sayo?

“Fuck! Di ko kailangan ang friendship mo! Marami na akong kaibigan!” ampalayang ampalaya ano?

Com'on! Wag na tayong maging ipokrito at ipokrita! Hindi na tayo bata para makipaglaro ng guessing game o makipagtaguan-pung. Truth is, we don’t normally pursue, or give much of our time and attention to someone or anyone without any intentions behind it. Hindi tayo mag-uubos ng load at makikipagpuyatan pagchachat para lang makipagkaibigan o makipaglandian. There must be some valid reasons behind it. At sa aminin man natin o hindi umaasa tayo, directly or indirectly, for something bigger to happen kapalit ng lahat ng ginagawa natin.

Another point is, nakakasanay ba ang frustrations? Ang paghihintay sa maga bagay na parang hindi naman darating kelanman? Hindi ba parang in the long run e puro negativity na lang ang naiibigay sa atin nun? To the point na pag may dumating at kahit feeling natin e eto na talaga yung real chance, yung right right right chance, para sa atin e still hesitant pa rin tayo at i-reject lang natin kasi baka false alarm na naman or gaya ng dati e palpak na naman.

Gasgas na para sa atin ang salitang perseverance at patience pero hindi naman kasi nakakasanay ang masaktan sa paghihintay. Hindi nakakasanay ang mafrustrate. Hindi din kelanman nakakatuwa ang malaman mong at the end e wala ka palang inaasahan, wala ka palang hinihintay.

Worst is, sabihin sayo na, “Hindi ko naman sinabing maghintay ka ah? Choice mo yan”

Fuck! Fuck talaga! Di ba?

Knowing that you’ve wasted your time sa paghihintay sa isang bagay na di naman pala talaga mangyayari, maybe not now. Or not ever.

Pero naisip mo na ba?

Di kaya minsan mali lang talaga tayo ng hinihintay na chances? Sa isang pag-asam na di naman pala talaga posibleng mangyari? Na suntok sa buwan naman talaga yung inaasahan natin?

Hindi kaya mali lang tayo sa paghihintay sa isang maling tao? Sa isang tao na hanggang dun lang naman pala talaga ang kayang ibigay? Na ipinipilit lang natin ang isang bagay na hindi naman talaga pwede?

Hindi kaya may ibang naghihintay ng atensyon mo? O baka naman, hindi mo lang napapansin pero ikaw ay isang frustration din ng ibang tao?

Be still, open your eyes. Look around you, maybe you’re the most precious fruitcake for somebody, na antagal nang naghihintay ng konting atensyon mo.



"There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun

Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers giggling in sheer delight
Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake"



an_indecent_mind

6.5.10

sige na pls... paligayahin mo ako

9:42am, kulang dalawang oras pa ang ipaghihintay ko ng lunch time…

Sumasakit na mata ko kakablog hop at kung kani kaninong kwarto na ako napapasok... Di ko naman trip magparamdam ngayon, tamang lurker mode lang.

Nabulatlat ko na ang profiles nung mga kaibigan ko at kung sino sino sa FB, wala din naman interesante, wala din ako sa mood magcomment.

Ano na nga ba password ko sa twitter at plurk?? Arrgghhh!!

Maghintay na lang ng makakachat yung may kwenta.. o sige na nga kahit walang kwenta basta lang mairaos tong bagot na to! Kung bakit kasi kung kelan mo kelangan ng kausap, mapapaghingahan, magpapangiti, magpapatumbling, magpapahalakhak, aasarin, saka naman di sya pwede, saka mo naman sya di mahagilap..

Nakakainip. Para ka na ring naghihintay ng patak ng ulan sa tuyot na disyerto…

Buti pa yung busy ka na lang palagi. Yung masyadong abala ang isip mo sa trabaho, yung tipong nangangarag ka sa dami ng gagawin, yung din na maidrowing ang kilay mo dahil di ka na magkandaugaga sa paghahabol ng deadlines. Pero yung ganito? magpapatay ka lang ng oras?

Kung ano ano lang tuloy naiisip ko.. sa ganitong mga pagkakataon ako madalas kinakatay ng homesick..

Tsk… nakakabaog…

15.4.10

Pain

I grew up with very low pain tolerance level.

When I was small I whined for every little pain. Each whine, I cried. And for each cry, I ran and sobbed at my mother’s comfort.

Now I am old enough, a full grown man but maybe I have not outgrown my pain tolerance, yet. I do not whine everything to my mother anymore, or even to anyone else. I must have mastered the art of being incognito. I seldom lay down my cards, especially when I am at loss.

Been through tougher and more complicated days -- moments when I felt so knocked down, lost and torn. But stereotype-me, a man afraid of showing his true emotions, crying is a big no-no. Shedding tears is a pure display of weakness, defeat, failure.

Poker faced. I am.

I used to cry alone, where no one could see me. In times of turbulence, I’d prefer to be alone. I’d rather plunge myself into a secluded beach or take myself into higher grounds – to escape, to reflect, to relax, to breathe in, to shout, to cry, to be a critic of my own self and to be a different and stronger person when it’s time to go back to the real world. Damn! I really miss those days.

Strange though, there are moments that I am willing to sacrifice half of my being to partake with someone else’s pain….

Like NOW.

3.4.10

Friends??


“Hoy! Gago ka! Alam ko ikaw yan! I-add mo ako now na! Kung hindi, irereport kita as spam!”


Yan.. ganyan man lang sana na message pwede na rin.. kahit masakit sa tenga ok na rin… kaysa naman basta na lang ako makakareceive ng mga friend requests na blangko. Blangko, walang message man lang. Blangko kasi pati mukha e di ko maalala kung magkakilala nga ba talaga kami..


Or else, mag send ka ng friend request e add ka naman man lang ng message, pakilala man lang kaya no? kung natapakan ko ba luya mo sa paa habang nagmamadali ako? Kung tinakbuhan ba kita matapos kung tumuhog tuhog ng tinda mong calamares at fish ball? Kung itinakbo ko ba yung pusta nyo sa basketball? Kung nai-table ba kita isang gabi tas di kita binilhan ng LD at nagshare lang tayo sa bote ko? Yung mga tipong ganun?


Kahit panget pakinggan, Oks na rin kahit paano. Di yung bigla na lang poooff!! Coco crunch!
Di ko maintindihan ang mga friend requests na bigla na lang sumusulpot na parang kabute from out of nowhere, ang tinutukoy ko dito e yung sa FB, FS at kung san san pang social networking sites.
Ubos oras kaya na magbulatlat pa ako ng lahat ng pektyurs mo at pakatitigan hanggang sa magkandaduling ako para lang maalala kung san tayo nagkakilala. E mabuti sana kung matalas ang memorya ko, madali lang sana kitang maalala. E kaso nga hindi, utak ipis lang ako sensya na!
Tapos, matapos akong pahirapan kakabulatlat e di ko talaga maalala kung kilala ko ba sya. Or konektado ba kami in any way.


Haaisssss! Maano bang magpakilala na, “hi, number one fan mo ako” o kaya “stalker mo rin ako.. pls add me!”


No offense, but ako kasi kaya ako nagpapadala lang ng friend requests e para sa re-connection ko dun sa tao, na kakilala ko. Marami pa akong gustong makareconnect, gaya nung mga:


-mga dating kaibigan ko nung elementary pa ako; sila yung mga pinapanood ko habang nagcha-chinese garter, yung mga nakasama kong napaluhod sa bilao ng munggo, yung kasama ko pagpapaanod ng tsinelas sa tubig baha


- mga kaklase ko nung day care, yung mga tumawa sa akin kasi pipilay pilay ako dahil baligtad pala ang pagkakasuot ko ng aking sapatos


-yung batang babae na nabasagan ko ng kanyang gitarang bandoria kasi tinamaan ko ng volley ball pagspike ko ng ubod lakas! Nyay! Lagot ako!


-of course yung mga high school friends na kasama ko sa lahat ng kalokohan; vandalizing sa cr at sa mga upuan, pamboboso sa ilalim ng lumang main building; pagiging “friendly” sa mga classmates naming super hot! cutting classes para kumain sa canteen, pagpapaiyak ng substitute teachers (churi! Hehe), pangongolekta ng locknut at washers ng mga upuan wahehehe!


-yung mga importanteng tao na naging bahagi ng buhay ko syempre, yung seyoso at matured na buhay hehehe!


-mga bagong taong interesante


Nag-iinarte? Oo, suplado na kung suplado. Pero di ko kasi ugali na basta mag-add lang nang mag-add… tapos di ko naman kilala… ano yun pamparami lang?


Nga pala, may isa pa… pasintabi lang po…


No offense meant, di naman siguro masama na maging friends pa ulit kayo ng ex mo di ba? After all may pinagsamahan din naman kayo… pero dapat siguro maging responsible, considerate din at sensitive kayo both, especially sa mga comments at reactions na ipino-post mo sa pages nya sa networking sites. Syempre meron at merong tao na masasagasaan at hindi agad makakaintindi kung bakit kelangan na may connection pa kayo ng ex mo.


Kasi kung bigla ka tanungin na bakit kelangan may communication pa kayo ulit, makakasagot ka ba kaagad? Sige nga, Bakit nga ba?


And kung i-delete ka sa account nya, alam mo na yung ibig sabihin nun...


tabi-tabi po...






16.9.09

kwento ka.. yung masaya naman..

hintay ka lang..

makakapagkwento din ako sayo, yung nakakatawa naman. hindi puro negatibong enerhiya at himutok na lang ang ipinapasa ko sayo. tama ka naman, di ako dating ganito. meron lang akong pinagdadaanan sa ngayon. madaming gumugulo sa kakarampot kong utak, na mukhang nagsarado na at di magawang tumanggap ng paliwanag at nagpipilit maniwala… sa wala.

pero sana bukas paggising ko, ako na ulit yung dating nakilala mo.


yung palaging bangka sa usapan, ako na parang hindi nauubusan ng kwento. oo, bilib ka nga sa akin di ba? at hinahanap mo yung dating ako kasi walang maingay at magulo at nang-aaway sa yo ngayon.

bukas siguro, paggising ko ok na.


ako na ulit ang magbibigay sayo ng panadaliang aliw. pangako, hindi kita tatantanan hanggat di ka naluluha at sumasakit ang tiyan at panga sa katatawa. hindi kita titigilang patawanin hanggat di ka nakikiusap sa akin na tama na…

pero sa ngayon favor lang, kaw muna.. “kwento ka.. yung masaya naman..”

6.4.09

himutok

hindi naging maganda ang umpisa ng araw ko ngayon..


habang lulan ako ng aming company shuttle bus, at may nakapasak na earphones sa aking tenga, wala akong kaalam-alam sa nangyayari… mula sa aking pagkakaidlip, naalimpungatan ako.. sa isang traffic light, isang saudi lokal ang nakikipagtalo sa isang bangladeshi, malamang gitgitan sa kalsada.. maya-maya pa bumalik yung arabo sa pick-up truck nya, kumuha ng isang tubong kalawangin na uno y medya ang bilog na may elbow sa dulo…


walang pakundangan niyang ipinagtulakan ang kalaban nya sabay hambalos ng tubong hawak nya dito. wala syang pakialam, san man nya ito tamaan sa bawat paghambalos na kanyang ginagawa.. napapangiwi ako sa tuwing tinatamaan ang bangladeshi… di ko alam ang pinag-ugatan ng kanilang pagtatalo.. ngunit gaya ng dati, hindi makapanlaban ang kalaban ng arabo.. alam kong alam din nyang tyak na may kalalagyan sya kung saka-sakali…


dito sa saudi, kahit yung arabo ang mali, mali ka pa rin sa katwiran nila. kahit maaksidente ka nila, kasalanan mo pa rin yun dahil sa kanilang pilosopo at di-makataong pangangatwiran, kung di ka nagpunta sa kanilang lugar, hindi ka nila maaaksidente.. at nakapanlulumong maraming pagkakataon na ang nangyaring ganito… ilan na nga bang pilipino ang nakulong na walang kasalanan? ilan na nga ba ang napugutan ng ulo? ang nalatigo? silang mga inosente… tsk!
**********
pera-pera na nga lang siguro kung bakit ako nandito ngayon sa lugar na ito.. sa kagustuhan kong iangat ang antas ng pamumuhay ko at ng aking pamilya, hinarap ko ang hirap at lungkot ng paglayo sa knila. at ang panganib ng buhay dito sa disyerto.


oo, tingin ko mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa sarili ko… dahil kung ako lang, kaya ko naming magtiis na hindi kumain ng masarap, kaya kong hindi mamasyal sa mall, kaya ko palang walang alak sa katawan, kaya ko palang magtrabaho ng minimum sampung oras sa loob ng isang araw, at mag-ot pa ng dagdag na tatlong oras at kalahati tatlong beses sa isang lingggo at pumasok pa rin ng kalahating araw ng byernes na sana ay araw na lang ng pahinga.. daig pa nga ako ni kuracha, ang babaeng lingo lang ang pahinga, ako kalahating araw lang ang pahinga..


hindi ako nagrereklamo, dahil pwede ko naman piliin na maging lantang gulay na lang sa loob ng aking kwarto, pero hindi ko ito ginagawa… sayang din kasi ang kikitain ko sa oras na ilalagi ko sa opisina.. tutal trabaho naman talga at kumita ng higit sa pang-araw araw na pangangailangan ang ipinunta ko dito, samantalahin na lang lahat ng pagkakataon…. saka na lng ako magpapakasarap sa pag-uwi ko sa pinas.. makita ko lng na kumakain ng maayos ang pamilya ko, at naibibgay ko lahat ng pangangailangan nila, sulit na lahat ng paghihirap ko dito.. malayo man ako sa kanila, sana maintindihan nila, para rin sa kanila ginagawa ko… hindi lang para sa akin..


kung noong dati, nung nakakapanood ako ng mga pelikulang patungkol sa pamilyang pilipino na kinailangan maghiwalay at isa sa mga magulang ang mangibang bayan, di ko noon maiwasang itanong sa aking sarili kung bakit kailangan pa nilang umalis?? pwede naman sigurong sa pinas na lang, hindi na kailangang lumayo..


noon, itinanim ko sa isip ko na sa pinas lang ako, hahanap ng mayos na trabaho, gugulin ang lahat ng oras sa aking pamilya, makita at masubaybayan ang anak ko sa paglaki.. pero ngayon, isa ako sa nagpasyang humanap ng magandang kapalaran dito sa ibang lupain, maayos na kapalarang di kayang ibigay ng aking sariling bansa. ngunit, di ko maialis sa aking isipan ang takot na pagdating ng panahon ay sa akin pa isumbat ng pamilya ko na sana ay hindi ko na lang sila ipinagpalit sa dolyar na kikitain ko dito.


mahirap kung sa mahirap.. pero hindi na ako naiinip masyado, natutunan ko na ring libangin ang aking sarili… at sa tulong na rin ng makabgong teknolohiya, hindi na ganun kalakas ang homesick..
**********

umalis ako noon, 3 buwan pa lang ang anak ko.. nagbalik ako kulang isang taon mula nung umalis ako, para gugulin ang dalawamput isang araw ng bakasyon na ibinigay sa akin.. magkahalong kaba, saya at pananabik, makakapiling ko na naman ang aking mga mahal sa buhay.


sa totoo lang, masakit makita na ang anak ko ay mas malapit pa sa ibang tao kaysa sa akin na sarili nyang ama. ako, na sinasakripisyo ang mga pansarili kong kaligayahan para sa kanya. ilang araw din ang inubos ko para lang magkalapit kaming dalawa, o matanggap nya kung bakit hindi lang siya ang pwedeng yumakap at humalik sa kanyang ina.. kung bakit may ibang lalaki na natutulog sa kanilang kama bukod sa kanya..


ilang tsokolate at laruan ang naubos ko para lang lumapit at sumama sya sa akin.. sa mura nyang isipan, sana lang hindi nya inakalang ako si santa claus noong panahong iyon ng kapaskuhan..


hanggang sa muling pagbalik ko dito, dala ko pa rin ang agam-agam kung ano kaya maging reaksyon nya sa susunod naming pagkikita, ilang buwan mula ngayon.. o kaya, paano ba ako ibibida ng anak ko sa pagdating ng panahon sa knyang mga kaibigan.. ipagmamalaki nya kaya ako o kamumuhian?


oo naman, gusto kong ako din ang magturo sa kanyang magbisikleta, magsaranggola, magbasketbol at mag-ayos at magkutingting ng kung ano-ano sa bahay….


haay buhay, puro himutok na lng ba? la na ba tlagang pag-asa ang pinas?? gaano katagal pa ang kailangang ipagtiis sa ibang bansa?


kung magiging maayos lang sana at may konting kasiguraduhan ang buhay sa pinas, hinding hindi ko iisipin ang umalis at mangibang bayan…
**********

wahahaha!! pagpasensyahan nyo na... naglalabas lang po ng sintemyento sa buhay..



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails