pektyur pektyur! ismayl!!!!

2.10.11

wag kang atat! bibigay din yan!



sabi nila, PATIENCE is a VIRTUE daw....



ewan ko ba, HINDI ako pinanganak na pasyensuso  PASYENSYOSO....

kaya nga ang favorite motto ko sa buhay ay,
LET'S GET IT ON!!!!



an_indecent_mind

29.9.11

wait lang! di ba True Love Waits??



True love waits daw... Madalas kong mabasa at marinig ito noong highschool pa ako. Lagi din kaming nireremind about sa consequences ng pre-marital sex ni titser Leny at titser Hilda (mga religion class teachers namin) at ni Mam Magdalena (titser namin sya sa Accounting pero madalas naming tanungin about sex; at syempre pa alis na ang antok ng lahat na pag sex na ang topic!).

kung sa panahong hayskul e normal na sa aming mga kalalakihan ang  pagiging mapagsaliksik, mapusok at padalos-dalos sa ganitong yugto e ako naman noon e nageenjoy pa lang sa mga “kilig moments” LOL. Oo tama, sa halip na pamboboso at kung ano ano pang kalokohang produkto ng hormonal na pagbabago e abala naman ako sa paggawa ng mga love letters o di kaya ay pagreresearch ang inaatupag ko noon sa kung paanong paraan mapapasagot ang nililigawan (pangit ka na nga wala ka pang diskarte??!). Madalas akong gawing kasabwat ng mga barkada ko para sumulat ng love letters sa kanilang mga nililigawan at madalas ko ding binalak na ako na lang kaya ang sumulat at lumigaw dun sa mga type nila, sagutin din kaya ako? LOL

Well, mga murang isipan at saka yung generation namin noon e considered na fourth base na ang lips to lips sa chick -- mayabang ka na nun brod! (ay syempre depende nga pala sa kartada ng chick mo! LOL) pero kung iyayabang mo e gumala-gala ang iyong mga kamay sa kambal na bundok at sa mabalahibong pusa (yes, as in!) sa dako pa roon? Aba naman parekoy! Fifth Base ka na nun! Tutulo ang laway sa inggit ng mga barkada mo sayo.. at sisimulan ka na nilang tawaging “chickboy”..

Wala e, ako mahina ang loob ko sa mga ganyan.. may mga naging gf ako during highschool days pero ang pinakamalayong narating ng dulo ng daliri ko nung mga panahong yun e hanggang dun lang sa ibabaw ng “sa dako pa roon” at nung nag-attempt akong baybayin ang garter ng kanyang so-en e dun natigil ang aming pagpapalitan ng laway. Tandang tanda ko pa kung pano nya ako tiningnan sa aking mga mata, maluha-luha sya noon, may takot, at nagtatanong o nagmamakaawa na ituloy ko ang maitim kong binabalak… pero tumigil ako sa ginagawa ko, bigla akong natauhan na para akong nabuhusan ng malamig na tubig..

gusto ko sanang ipagpilitan ang nais ko sa marubdob na pagnanasang kumawala na sa pagkaalipin kay mariang palad..

gusto ko sanang gamitin ang mga linyang “akala ko ba mahal mo ako?”

Andun na e! andun na yung tinatawag na “heat of the moment” na sa tingin ko e nadadala na din sya sa ginagawa namin! pero hindeeeee…. Natakot ako!

Una kasi wala pa naman akong karanasan at takot din akong mauwi lang sa kahihiyan ang gagawin namin, kasi ang totoo nyan e nung naglalaro pa lang yung dulo ng daliri ko sa garter nya e nanginginig na talaga ako!

ikalawa, biglang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng titsers ko habang pinapaalalahanan kami about sex. .. lol

Natakot ako sa maaaring maging bunga ng gagawin naming masarap pero bawal.. natakot ako pano kung mabuntis sya? Pano na ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin? Pano na ang pangako kong pagtataguyod sa mga mas nakakabata kong kapatid? Pano na ang gatas at lampin ng magiging anak namin? Sa ganitong nagsasalimbayang mga agam-agam, walang ilang segundo lang e humupa na ang galit ng nagngitngit kong alaga.. at pagkatapos ng gabing iyon, anlaking panghihinayang ko sa pinalampas na pagkakataon, ilang gabi akong nagsarili di pinatulog sa pag-asam na disin sana ay nakatikim na ako ng pagkaing parang pagkasarap sarap..

Ngunit ngayon, pag nagbabalik tanaw ako sa mga desisyon ko noon, natatawa ako sa sarili ko.. ano kaya kung mas naging agresibo ako noon? dalubhasa na kaya sana ako ngayon? ano kaya yung mga nakalagay dati dun sa mga love letters ko noon, bakit naging epektib para mapasagot yung mga chikas nila?

sa isang bahagi ng aking pagkatao, malaking pasasalamat ko din sa mga guro na patuloy na nagpaalala sa min about premarital sex.. kasi natuto ako --- natuto akong dapat laging may baong kapote (in case na umulan).. natuto akong mag-isip munang mabuti kung “worth it” ang napili kong kapareha..

Yeah! tip lang mga brod, pag andun na kayo sa climax at tipong atat na atat ka na, sandali mong isipin na, “what if mabuntis ko to? Eto na talaga mapapangasawa ko??? takte! parang lugi ata ako??"

at bigla sasabihin mo sa partner mong, “wait lang pala… True love waits.” LOL basag!

Ikaw, kelan ang iyong perstaym? at ginamit mo din ba ang konsepto ng TruLabWeyts? ekspleyn



pektyur galing dito




an_indecent_mind








22.9.11

Peksman! Mamatay man!



Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.

Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,

"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)

pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
 
palabra de honor

Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.

Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".

Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?

The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte


Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.

Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?

“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?


Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?

Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”

Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”

Ikaw, mahilig ka bang mangako?




an_indecent_mind




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails